Balikatan 2014 nagtapos na Alyansa ng PH, US simbolo ng kapayapaan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista na isang simbolo para ma­panatili ang kapayapaan sa Southeast Asia ang matibay na alyansa sa pa­gitan ng tropa ng Pili­pinas at Amerika na ma­ipagmamalaki sa buong mundo.

Sa pormal na pagtatapos kahapon ng PH-US Balikatan Exercise 2014, sinabi ni Bautista na bilang magkaalyado ay titiyakin ng Pilipinas at Amerika na magtutulu­ngan sila upang mabantayan ang pandaigdigang kapayapaan.

Ang PH-US Balikatan Exercise 2014 na nilahukan ng 3,000 tropang Pinoy at 2,500 naman mula sa mga sundalong Amerikano ay nagsimula noong Mayo 5 at nagtapos kahapon.

Ang magkaalyadong tropa ay sumabak sa serye ng  staff exercises, field training exercises, humanitarian at civic assistance activities sa iba’t-ibang piling lugar sa bansa.

Sinabi ni Bautista na minsan pa ay pinatuna­yan ng Balikatan 2014 na patuloy na tumitibay ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos na ipinagtatanggol ang bawat isa ay nagsimula pa noong 1951 kaugnay ng nilagdaang Mutual Defense Treaty (MDT).

Dumalo sa pagtatapos ng Balikatan sina Defense Undersecretary Honorio Asqueta, Gen Bautista; U.S. Embassy Deputy Chief of Mission, Brian  Goldbeck, Director for Philippines, Major Gen. Emeraldo Magnaye at US counterpart nitong si Major Gen. Richard Simcock II, deputy commander ng US Marine Corps Forces Pacific.

Sinabi naman ni Gold­beck, bawat taon sa tuwing ginaganap ang Balikatan na nasa ika-30 na ngayong 2014 ay higit pa nitong pinatitibay ang relasyon sa pagitan ng tropang Kano at ng Pilipinas na handang magdamayan sa oras ng pangangaila­ngan.

AMERIKA BALIKATAN BALIKATAN EXERCISE BAUTISTA CHIEF OF STAFF GEN DEFENSE UNDERSECRETARY HONORIO ASQUETA MAJOR GEN PILIPINAS SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with