Pinay inutas ng lover sa birthday party sa US

MANILA, Philippines - Naging madugo ang masayang birthday na hino-host ng isang 51-anyos na Pinay nurse matapos siyang barilin ng kanyang lover sa loob ng tahanan nito sa Florida, USA noong Linggo.

Sa report na nakara­ting sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang nasawing Pinay na si Josephine Austria ng Clearwater, Florida na idineklarang patay habang ginagamot sa isang ospital bunga ng isang tama ng bala sa katawan.

Agad namang naaresto ng Florida Police ang suspek na si Alexander Richardson, 24, kinakasama ng nasabing Pinay at nahaharap sa mga kasong second degree murder at illegal possession of firearms na nasa impluwensya ng alak.

Nabatid na naganap ang pamamaslang sa Pinay noong Linggo ng ala-1:00 ng madaling-araw sa mismong bahay ng magkatipan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril at pamamaslang sa biktima.

Show comments