^

Bansa

‘Kung gusto niya,’ sey ni Purisima… Capa pwedeng ibalik sa ‘Tugis’

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Alan Purisima na puwede naman ibalik sa Task Force Tugis si Sr. Supt. Conrad Capa kung iyon ang nais niya.

Ayon kay Gen. Purisima, para sa kapakanan ni Sr. Supt. Capa ang transfer nito sa Region 7 upang mapabilis ang kanyang promosyon.

Sinabi ni Purisima na kung nanaisin ni Capa na manatili sa Task Force Tugis ay ibabalik niya ito.

Pero kung nanatili si Capa sa Tugis ay magtatagal ang kanyang promotion para makuha na nito ang kanyang ‘star’.

“Tanungin natin si Col. Capa kung gusto niyang bumalik sa Task Force Tugis, ibabalik ko siya. Kasi ’di magtatagal mapopromote na naman siya just in case. Actually he was long overdue for that position kaya para mabigyan siya ng pagkakataon na ma-promote siya further in the near future. This qualifies him to become the next deputy regional director for administration. So isang hakbang nalang magiging star rank officer na si Senior Supt. Capa,” wika ni Purisima.

Tinanggap naman ni Capa ang kanyang bagong assignment at nagsabing “I consider this a reward. Parang reward to, masaya naman ako, I’m happy. Ano lang kasi, masyadong sudden ba, Thursday nahuli yon, ngayon di ba? One week. Sana kung ma-relieve man ako, anyway tapos na e, nakapagsalita nako e, kasalanan ko rin yun”.

 

ALAN PURISIMA

ANO

CAPA

CONRAD CAPA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

SENIOR SUPT

SR. SUPT

TASK FORCE TUGIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with