^

Bansa

41 most wanted nalambat ng CIDG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng isang linggong operasyon, umaabot sa 41 most wanted na mga kriminal ang nasakote ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga nasakote ang isang berdugo ng Abu Sayyaf na si Abdulgappar Imambakal alyas Abu Makal.

Si Makal ay nahuli ng pinagsanib na elemento ng PNP-Special Action Force at ng 530th Air Base Wing ng Philippine Air Force sa boat interdiction operation sa Malusso, Basilan kamakailan. May 11 standing warrant of arrest ito sa kasong frustrated murder at 13 counts ng murder.

Nasakote naman ng CIDG Central Mindanao ang number 5 most wanted na si Ogie Piang Kimbaw, may warrant of arrest sa kasong murder. Ang nasabing suspek ay kasamahan ni Datukan Montok Samad alyas Lastikman na tumakas sa Maguindanao Provincial Jail noong 2012 matapos na wasakin ang padlock ng kanilang piitan.

ABDULGAPPAR IMAMBAKAL

ABU MAKAL

ABU SAYYAF

AIR BASE WING

CENTRAL MINDANAO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DATUKAN MONTOK SAMAD

MAGUINDANAO PROVINCIAL JAIL

OGIE PIANG KIMBAW

PHILIPPINE AIR FORCE

SI MAKAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with