Miyembro ng Mexican drug cartel ipapapatay ng mga kasama - De Lima

MANILA, Philippines – Nagpadala ng dalawang assassin ang Mexican drug cartel sa Pilipinas upang ipaligpit ang kanilang mga miyembrong nadakip ng awtoridad, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.

Inalerto ni De Lima ang mga awtoridad matapos malaman ang planong pagpapaligpit sa dalawang Filipino-Canadian drug pusher na nadakip nitong nakaraang linggo sa Taguig City.

Dagdag ng kalihim na nalaman niya ito base sa intelligence report na natanggap ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ipapapatay ang mga dalawang tulak ng droga upang hindi makapagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad.

Nauna nang nagbabala ang NBI laban sa Mexican drug cartel na nagpapasok ng ilegal na droga sa bansa.

Nalamang parte ng grupong Sinoloa ang cartel na mula sa northwestern Mexico.

Show comments