Timetable sa FOI bill, hiniling

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang mambabatas kay House Speaker Feliciano Belmonte na magtakda na ng timetable para sa pagpapatibay ng kontrobersyal na Freedom of Information (FOI) bill.

Sinabi ni Diwa Partylist Rep. Emmeline Aglipay, kung walang malinaw na timetable para sa FOI bill ay maaaring mabinbin pa ito sa plenaryo sakaling makalusot man sa committee level.

Matatandaan na una ng  tiniyak ni Speaker Belmonte na maipapasa ng Kamara ang FOI bill sa loob ng kanyang termino.

Samantala, umaasa naman si Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan na masisimulan na agad ang deliberasyon sa panukala.

Kailangan umanong dumaan ito sa masusing debate sa Committee level pa lamang para masiguro na hindi masisingitan ng mga probisyon na salungat sa tunay na intensyon ng FOI bill na bigyan  ng kapangyarihan ang publiko na masilip ang mga transaksyon ng gobyerno.

Show comments