Ulat Panahon

MANILA, Philippines - Ang MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa kanluran hanggang timog-kanluran ang iiral sa silangang bahagi ng Kabisayaan at ng Mindanao at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang kanluran sa nalala­bing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Ang araw ay sisikat 5:45 ng umaga at lulubog 5:45 ng gabi.

Show comments