Aug. 21, non-working holiday

MANILA, Philippines - Gugunitain ng buong bansa ang kamatayan ni Sen. Ninoy Aquino Jr. sa darating na Agosto 21.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, special non-working holiday ang darating na August 21 kung saan ay gugunitain ang ika-30 death anniversary ni Ninoy.

Para sa mga mag-aaral na nais malaman ang tungkol sa kamatayan ni Ninoy Aquino ay mayroong inihanda ang Presidential Communications Deve­lopment and Strategic Planning Office (PCDSPO) upang alalahanin ang mga sakripisyo ni Ninoy para sa bansa.

Aniya, bisitahin lamang ng mga estudyante ang www.malacanang.gov.ph para sa karagdagang kaalaman sa kasaysayan ni Ninoy.

Show comments