DBM hindi makikialam sa ‘pork’

MANILA, Philippines - Ipinasa lamang ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad sa mga mambabatas ang responsibilidad sa pagbuwag ng pork barrel.

Sa ginanap na budget hearing kahapon sa Kamara, sinabi ni Abad na nakadepende sa mga kongresista at senador kung aalisin na ang pork barrel allocation ng mga ito.

Hindi umano maaa­ring panghimasukan ng Ma­lakanyang at Kongreso dahil nirerespeto nila ang independence ng lehislatura.

Subalit dinepensahan ng kalihim ang 27 bilyon na pork barrel allocation sa ilalim ng 2014 budget dahil nailatag na umano nila ang budget na ito bago pa pumutok ang pork barrel scandal.

Responsibilidad umano ng bawat mambabatas na siguruhing maayos ang paggastos ng kanilang pork barrel.

Giit ni Abad hindi uma­no tamang alisan ng alokasyon ang ibang matinong gumamit ng PDAF dahil lamang sa pagkakamali ng iilan.

Show comments