^

Bansa

Ex-Deputy Ombudsman, 2 pa pinakakasuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng kriminal ni Ombudsman Conchita Carpio Morales  si dating Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni, dating Assistant Ombudsman Nennette De Padua, at dating Executive Assistant Rosalyn D. Martinez dahil sa pamemeke ng official documents.

Sa isang resolusyon na nilagdaan ni Morales, nakasaad dito na nakakita siya ng ‘probable cause’ para maidiin ang mga akusado sa 13 counts ng Falsification of Public Documents at 56 counts ng Infidelity in the Custody of Public Documents.

Bukod dito, napatunayan din ng Ombudsman na si Jalandoni  ay liable  sa kasong Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service kayat dapat itong masibak sa puwesto, makansela ang  eligibility, pagkumpiska sa retirement benefits at di maaring humawak ng anumang puwesto sa gobyerno .

Dahil sa nagbitiw na sa kanyang posisyon si Jalandoni noong  April 2011, pinatawan  ito ni  Ombudsman Morales na magmulta ng kasinghalaga ng sahod nito sa loob ng isang taon.

Ang kaso ay nag ugat sa reklamo ni Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro na nagsasabi na ang mga akusado ay nagsabwatan sa desisyon, resolusyon, kautusan at iba pang official documents noong nasa puwesto pa sila sa Ombudsman noong panahon na Acting Ombudsman si Casimiro at iutos ang pag-imbentaryo sa mga naka-pending na kaso matapos magbitiw sa tungkulin si Ombudsman Merceditas Gutierrez. 

Natuklasan ni Casimiro na sina  Jalandoni, De Padua at Martinez  ay nag tamper ng mga official documents sa pamamagitan ng mga pekeng pirma ng mga approving authorities.

 

ACTING OMBUDSMAN

ASSISTANT OMBUDSMAN NENNETTE DE PADUA

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CASIMIRO

CONDUCT PREJUDICIAL

CUSTODY OF PUBLIC DOCUMENTS

DE PADUA

DEPUTY OMBUDSMAN

JALANDONI

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with