^

Bansa

Canonization ni Calungsod handa na

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa canonization o ang huling hakbang upang maging santo ang isang banal na miyembro ng Simbahang Katoliko.

Si Blessed Pedro Calungsod ay ituturing ng santo sa isang seremonya ng Vatican sa Roma bukas, October 21.

Sa advisory ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga parokya, youth organizations at mga religious group ay sabay-sabay na magsasagawa ng kani-kanilang programa sa canonization.

Kabilang dito ang Archdiocese of Manila, San Juan City, Archdiocese of Cebu at iba pang lugar.

Bibigyang-pansin sa programa ang buhay ni Calungsod, magkakaroon din ng lectures and trivia games na may kaakibat na gantimpala, papuri at pananalangin.

Noong April 2, 1672, matapos ang binyagan, si Calungsod kasama si Fr. Diego Luis de San Victores ay napaslang sa Guam dahil sa paninindigan bilang tagasunod ng Panginoong Hesus.

Si Calungsod ang ikalawang Santo ng Pilipinas matapos na unang madeklarang Santo si Lorenzo Ruiz na na-cano­nized ni Pope John Paul II noong 1987.

vuukle comment

ARCHDIOCESE OF CEBU

ARCHDIOCESE OF MANILA

CALUNGSOD

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DIEGO LUIS

LORENZO RUIZ

NOONG APRIL

PANGINOONG HESUS

POPE JOHN PAUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with