Walang Pinoy na nadamay sa Russia bombing - DFA

MANILA, Philippines – Walang Pilipinong nadamay sa suicide bombing na naganap sa southern Russia na ikinasawi ng 15 katao, ayon sa Department of Foreign Affairs ngayong Martes.

Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez sa kanyang Twitter account na kinumpirma ito ng embahada ng Pilipinas sa Moscow matapos ang insidente noong kamakalawa.

Pinuntirya ng suicide bomber ang istasyon ng tren sa Volgograd kung saan 15 nasawi, habang marami ang sugatan.

Wala pang tiyak na pagkakakilanlan kung sino ang nasa likod ng pag-atake ngunit matatandaan na nagbabala si Chechen rebel leader Doku Umarov na aatakihin ang Russia.

Show comments