^

Balita Ngayon

Kubrador sa Abra huli sa aktong nagpapataya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huli sa aktong nangungolekta ng taya ang isang kubrador ng jueteng sa San Quintin, Abra nitong Miyekules.

Tiklo sa pinagsamang puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, Abra provincial police intelligence at lokal na pulisya ang 43-anyos na si Pedro Castro ng Barangay Suso, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Nadakip si Castro habang nangungolekta ng taya sa Barangay Villa Mercedes, San Quintin.

Nakumpiska sa suspek ang anim na papelitos, isang ballpen, bag at mga tayang aabot sa P377.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaso laban kay Castro sa korte sa Abra.

Kamakailan lamang ay may nadakip din ang mga pulis na kubrador sa bayan ng Pidigan, Abra.

ABRA

BARANGAY SUSO

BARANGAY VILLA MERCEDES

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

HULI

ILOCOS SUR

INIHAHANDA

KAMAKAILAN

MIYEKULES

PEDRO CASTRO

SAN QUINTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with