Miyembro ng Abu Sayyaf tiklo malapit sa Zambo airport

MANILA, Philippines – Nasakote ng pinagsabnib na puwersa ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf ngayong Lunes malapit sa Zamboanga Internal Airport.

Nakilala ang suspek na si Muktar Ladjaperma na kilala rin sa tawag na Muktar, Tuan, Muks, at Ustadz Muktar, miyembro ng Abu Sayyaf urban terror group (UTG), na eksperto sa paggawa ng bomba at mga asasinasyon.

Nadakip ng mga awtoridad si Ladjaperma sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court bandang 9:40 ng umaga malapit sa paliparan.

Pinaghahahanap si Ladjaperma, na may nakapatong sa ulo na P600,000 na pabuya, dahil sa pandurukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses noong Agosoto ng 2002 sa Patikul, Sulu.

Nagtitinda ng cosmetic products ang mga biktima ng puwersahan silang isama ng Abu Sayyaf. Dalawa sa mga biktima ay pinugutan pa ng ulo.

Isinailalim sa interogasyon ang suspek sa Regional Intelligence Division 9.

Show comments