2 kelot utas sa bus sa Ilocos Sur

 

BAGUIO CITY, Philippines  â€“ Dalawa katao ang patay matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motor sa kasalubong na pampasaherong bus sa Ilocos Sur ngayong Huwebes.

Lulan ng motorsiklo ang mga nasawing sina Marlon Lorenzana, 23 at Oliver Partible, 17, na kapwa residente ng Alilem, Ilocos Sur.

Kaagad binawian ng buhay ang dalawang biktima nang bumangga sila sa kasalubong na Partas bus sa northbound ng highway sa Baranggay Libtong, sa bayan ng Tagudin.

Ayon sa mga imbestigador, galing sa inuman ang mga biktima at tumawid sa highway mula sa gilid ng kalsada kaya tinamaan ng bus.

Sumuko na sa pulisya ang tsuper ng bus na si Cresencio Duque, 49, ng Bucay, Abra.

Show comments