Mister pinalayas ang biyenan
Dear Vanezza,
Sa sobrang galit ko ay pinalayas ko ang biyenan kong babae na nagbibigay ng maling impormasyon sa misis kong nasa Dubai. Kesyo nambababae raw ako at pinagdadamutan ko siya. Hindi ko na kasi matiis na nag-aaway kami ng misis ko sa walang katotohanang bagay. Gusto niya ako ang humingi ng sorry dahil nasaktan din ang nanay niya. Ano ba ang gagawin ko? - Gene
Dear Gene,
Kung hindi ka pa handang harapin ang biyenan mo ay magpalamig ka muna ng ulo. Hanggang sa kalmado na ang sitwasyon at saka manghingi ng despensa. Isipin mong pangalawang magulang mo na rin ang iyong biyenan. Higit na mag-ingat at patunayan na mali lahat ng paratang sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest