^

Para Malibang

House Of Death (159)

HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado - Pang-masa

SIGAW nang sigaw si Mario sa ospital. Gustong makita pa si Anna.

“Anna! Magpakita ka! Kay Father Basti, nagpakita ka bakit sa amin ng mga anak mo, hindi?”

“Inay, magpakita ka, sabihin mong hindi totoong patay ka na!” Umiiyak na rin ang pangalawang anak nila.

“Inay, kahit multo ka na, basta lagi kitang makikita at makakausap. Di ba magagaling tayo kasi nakakakita tayo ng multo? Kaya sige na, Inay ... magpakita ka sa amin.”

Mahinahong nagpaalala si Father Basti. “Mario, mga bata ... baka kasi ang gusto ni Anna ay makita ninyo muna ang totoo niyang katawan. Na malamang ngayon ay nasa emergency room pa rin. Puntahan n’yo na.”

“Ikaw, Father, kailangan mo na ring dalhin sa ER, a.”

“Punung-puno pa yata, alam mo na naman ang ospital ng gobyerno. Bahala na ang mga hospital attendants sa akin. Alam nila kung kailan nila ako dadalhin o kung saan. Unahin ninyo si Anna, dalian ninyo.”

PAGPASOK nina Mario sa ER, nakita nila kaagad si Anna, ang multo. Sa tabi ng isang may takip nang puting kumot na katawan.

“Anna!”

“Inay!”

 “Inay!”

Lumuluha si Anna pero nakangiti. “Okay lang ito. Huwag nating kuwestiyunin ang Diyos kahit may tampo na tayo sa kanya. Nakikita n’yo pa rin naman ako, hindi ba? Hindi ko kayo iiwan. Tutulong ako para mapaalis ang mga masasamang multo sa mansiyon na ngayon ay inyo nang tahanan.”

“Anna, iba pa rin ‘yung asawang nahahawakan, na­yayakap. Nanay na personal na nag-aalaga sa mga anak, nakakatabi sa pagtulog kapag may sakit ang mga anak. At ikaw ‘yon, Anna. Ano’ng gagawin namin ngayon? Inulila mo na kami. Lalo akong nanghihina, natatakot. Baka hindi ko kaya ayusin ang mga anak natin.”

“Mario, ngayon lang siguro mangyayari na isang mag-asawang magkaiba ang dimension pero nagmamahalan pa rin at nagtutulungan. Hanggang makakaya natin, hindi natin igi-give up ang mansiyon. Napakagandang tahanan nito dahil ang mga original na may-ari ay mga mababait na tao. Napuno nga lang ng galit dahil sa mga masasamang multo. Tutulong ako kay Benilda, hindi kami titigil hanggang may mga multong masasama sa mansiyon!”

Napaiyak si Mario. “Aywan ko ba, Anna kung dapat nga akong matuwa sa mga sinabi mo. Kasi, ang ibig ding sabihin noon, para ka na ring sina Benilda na nakalimutan nang pumanhik sa langit, pagtatanggol na lang sa mansiyon ang gustong gawin.” Itutuloy

 

vuukle comment

HOUSE OF DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with