^

Para Malibang

Maranat

Pang-masa

Kabilang sa Sierra Madre Mountain Range ang mas kilala ng ilan na Mt. Maranat, pero alam niyo ba na hindi talaga Maranat ang pangalan ng bundok na iyon kundi Mt. Oriod. Ang Maranat ay pangalan talaga ng talon (Maranat falls) na matatagpuan sa bundok Oriod.

Pag-uuling at pagha-harvest ng bamboo ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Maranat sa bandang Rodriquez, Rizal. Gayunpaman, mayaman pa rin ito sa napakagandang tanawin na talaga namang nakabibighani sa sinumang bumisita rito.

Napakalinaw at buhay na buhay din ang tubig sa Maranat falls na siyang panguna­hing destinasyon ng mga nagtutungo rito.

Hindi basta-basta mapupuntahan ang Maranat dahil kinakailangn ng sapat na lakas ng katawan at siyempre pa, ng respeto sa Inang Kalikasan. Marami ka­sing basta na lang na umaakyat ng bundok na wala naman sapat na kaalaman sa Moun­taineering at sa kanilang mga destinasyon, ‘yun bang basta lamang nila mapuntahan ang isang lugar at maipagyabang.

Lagi rin sanang ta­tandaan, respetuhin ang mga kabundukan, h’wag tatakbo sa mga daraa­nan, h’wag magkakalat, at anumang kalat ang makita ay pulutin ito at ibaba.

Sa ganitong paraan, makatutulong kayo.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG MARANAT

GAYUNPAMAN

INANG KALIKASAN

KABILANG

LAGI

MARANAT

MT. MARANAT

MT. ORIOD

SIERRA MADRE MOUNTAIN RANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with