^

Para Malibang

Island of the Undead 119

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

Pero pati ba naman ang lalaking pinagseselosan niya, mas magaling na magaling pa rin sa kanya?

 “Kasi naman itong utak ko, ang purol! Lagi tuloy pumapalpak. Pero wala pa ring karapatan sina Miley na isnabin lang ako. Kung ayaw na nila sa akin, de sila-sila na lang! At ako, hahanap na lang ako ng ibang kakampi!”

Biglang may naisip si Blizzard. “Teka, nahuli si Doktor Larry sa pagtakas kay Reyna Coreana, a. Tiyak na na-fix na niya ang mukha ng reyna. Tiyak na kahawig na kahawig na naman ito ni Miley ngayon. Hindi kaya mas mabuti pang mag-join na lang ako sa mga undead? Tutal, ang lider nila ngayon ay kahawig na kahawig ni Miley?”

Hindi nagtagal at naglalakad na si Blizzard mag-isa sa aplaya. Papunta sa kuta ng mga undead.

“Hindi ako dapat matakot sa mga sundalo niya. Mapapaniwala ko naman siguro ang reyna na kakampi na niya ako.”

“Madali nang mag-imagine that I’m with real Miley. Hindi na akin ang orihinal so bakit naman hindi ko papatulan ang magandang fake! At masasaktan ko si Miley kapag nalaman niya na ang ipinalit ko sa kanya ay ang inihawig sa kanyang ganda!” Umiiyak naman si Blizzard habang sinasabi ito sa sarili.

At nagpatuloy siya ng lakad papunta sa kuta ni Reyna Coreana.

ANG reyna ng mga undead ay tuwang-tuwa.

“Hindi ko akalain talaga! Hindi ko akalain na nagagawa ko na ito! Tama pala talaga ang pagsamba ko sa hari ng kadiliman! Hahahahahaaaa!”

“Paano po kayo naging kahawig ni Miley kahit hindi naman tinapos ng doctor ang trabaho niya sa inyong mukha at katawan?”

“Sumamba ako kay Satanas!”

“Ginawa n’yo ‘yon?”

“Bakit hindi? Hopeless na ako! Tinakasan na ako ng bwisit na doctor na ‘yon! Sabi ko kay Satanas na tayo ay magiging loyal na alagad niya kapag binigyan niya ako ng kapangyarihan na gayahin ang mukhang gusto ko nang hindi kailangan ang operasyon ng isang magaling na doctor!”

“Pati po kami isinali ninyo sa deal ninyo kay Satanas?” Tanong naman ng isa pang sundalo.

“At bakit hindi? Mga masasama na tayong lahat, kanino pa tayo kakampi? Matagal na niya tayong alagad pero ginawa ko lang na pormal, mga ulol!”

“Kaya may nadagdag sa inyong kapangyarihan?”

“Oo! Tingnan ninyo, Miley na Miley ang ganda ko! Hindi iyan idinaan sa operasyon at sigurado ako na hindi na ito maaagnas!” - ITUTULOY

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

DOKTOR LARRY

HINDI

MILEY

NAMAN

NIYA

PERO

REYNA COREANA

TIYAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with