^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (36)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“PERO, Tiya Pura, kapag inilabas ko sa jacket ang mga halimaw, posibleng atakihin kayo sa puso—sa tindi ng takot...” paalala ni Miggy o Miguel.

Napalunok ang tiyahin. Tinantiya ang sarili. Kakayanin ba niya ang kagilagilalas na scenario?

Baka masahol pa iyon sa takot na inabot niya sa panonood kay Sadako ng Japanese movie?

“K-Kaya ko silang harapin, Miggy.” Humanda sa makikita si Tiya Pura.

Unti-unti nang binuksan ni Miggy ang black jacket na super-kapal. Nag-igkasan agad ang mga ulo ng 99 na lamang na mumunting halimaw.

Nanlaki ang mga mata ni Tiya Pura. Higit sa inasahan niya ang nasaksihang kababalaghan.

No, it was horror many times over. Nais na yatang  magmaliw ang kanyang katinuan!  Malapit na siyang mabaliw!

“Hi-hi-hi-hiii! Ya-ha-ha-ha-haaa!”

Nais magsisi ni Miggy. Sana ay nanindigan na lang siyang solohin ang pagdurusa sa 99 mumun­ting halimaw.

“Kapag natuluyang mabaliw ang tiyahin ko, diwatang hubad, lalo kitang susumpain! Hahabulin kita hanggang sa dulo ng mundo!”

Nang mga sanda­ling iyon, sa isang ma­laking bar sa Ermita, isang baklang impersonator ang umaawit ng kanta ni Ka Freddie Aguilar.

“Anuman ang mangyari, hindi kita iiwan... ipaglalaban ko ang pag-ibig mo... Ipag­lalaban ko hanggang sa dulo ng mundo...ang ating pag-ibig, giliw ko.”

Tuwang-tuwa ang audience sa mahusay na impersonator. Hindi nagkait ng masigabong palakpakan. KLAP-KLAP-KLAP-KLAP.

PILIT pinapayapa ni Miggy ang mabaliw-baliw nang tiyahin. Muli niyang isiniper ang jacket.

Nakulong na naman sa makapal na jacket ang nagwawalang mga halimaw.

Pinapak na naman ng mga ito ang katawan ni Miggy. Kruuk-kriik-kruiikk-kik-kiik-kuukk.

“Tiya Pura, gising! Bawal kang mabaliw! Tiya Puraaa!” Sinasampal-sampal na ni Miggy sa magkabilang pisngi ang tiyahin. (Itutuloy)

vuukle comment

ANUMAN

BAWAL

ERMITA

HAHABULIN

HIGIT

KA FREDDIE AGUILAR

MIGGY

TIYA PURA

TIYA PURAAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with