^

Para Malibang

Sumpungin ang girlfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - The Philippine Star

Dear Vanezza,

Ako po ay 28 years old na at may gf. Apat na buwan na kami pero hindi ko maintindihan ang ugali nya. Kung minsan ay sweet pero madalas ay bugnutin. Nagtataka ako sa inuugali niya. Madalas ay humihingi siya ng mga bagay na imposible, na parang naglilihi. Naiisip ko tuloy na baka nanadya lang siyang inisin ako para ako na ang kusang makipag-break sa kanya. Dapat ko pa bang ituloy ang relasyon ko sa kanya? - Jeck

Dear Jeck,

Ang pusong nagmamahal ay handang magtiis. Kung tunay ang pagmamahal mo sa kanya, handa mong tiisin ang pagiging moody niya. Kausapin mo siya tungkol sa nagbabago niyang ugali. Baka naman sinusubukan ka lang niya kung hanggang saan ang pagmamahal mo. Pero kung sa pakiramdam mo ay hindi mo na ma-take ang kanyang mga “paglalambing”, tapatin mo siya. Kung mahal ka niya, hindi niya paglalaruan ang pag-ibig mo. 

 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

APAT

DAPAT

DEAR JECK

DEAR VANEZZA

JECK

KAUSAPIN

MADALAS

NAGTATAKA

NAIISIP

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with