^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (26)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TODONG LAKAS  na sinuwag nga ni Miggy sa katawan si Burdugul. Matindi ang balya ni Miggy kaya humapay ang malupit na mala-gorilyang likha ni Shirya.

BLAGADAGG!

 Pumlakda sa sahig na marmol ang malupit na lalang ng diwata sa batis.

Nakikita ni Shirya sa tubig ng batis ang naganap. Manghang-mangha ang babaing  nilapastangan ng mga  rapists-killers.

 “Noooo!” sigaw ni Shirya, hindi matanggap na natalo ng isang mortal ang kanyang pamuksa.

 “Burdugul, gising! Gumising kaaa!”

Nagmulat ng mata si Burdugul, ipinilig-pilig ang ulo. Gising na ang halimaw na 7-footer!

“Oh my God!” yanig na reaction ni Miggy, nag-iisip ng dapat gawin.

Nakatayo na si Burdugul, hawak na naman ang solidong pambambo nito. Matalim ang tingin sa nakabulagtang ama ni Miggy.

 Ang ama, sa tindi ng pagbagsak sa marmol, ay paralisado—hindi makagalaw kahit aktibo ang isipan.

Muling nag-utos si Shiryang diwata. “Burdugul, hambalusin mo na!”

Nalito si Burdugul. Inakalang si Miggy ang dapat bambuhin.

 BRAMMM.

Nakailag si Miggy. Ang dingding nila ang nawasak. Nagiba nang husto ang bahagi ng bahay na ipinundar ng mga magulang.

 Alam na ni Miggy na wala na siyang kabuhay-buhay sa sariling bahay.

 Kung gayo’y wala siyang dapat gawin kundi ang tumakas. There is no other way but out! Tumakbo sa kalye si Miggy, tangay ang 99 na halimaw sa katawan. Bahala na ang Diyos sa buhay ng ama, naidasal ni Miggy.

 Hinabol siya ng malupit pero mabagal na si Burdugul.   

SA BATIS, nabulahaw ng tatlong ibon na kingfisher ang tubig . Naudlot tuloy ang panonood ni Shirya sa mga kaganapan.

 Napasigaw si Shirya sa kunsumisyon. “AAAAAHH!”

 Nabulabog ang napakaraming pipit at maya sa kahuyan. Nagliparan, marami ang naghulog ng ‘bomba’ sa batis.

 Lalong hindi napanood ng diwata ang estado ni Burdugul. (ITUTULOY)

 

 

vuukle comment

ALAM

BAHALA

BURDUGUL

DIYOS

GUMISING

HINABOL

MIGGY

SHIRYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with