^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGPATULOY sa paglalakad sa main road ng village si Burdugul, ang mala-gorilyang likha ni Shirya. Ang babae sa batis na laging hubad ay maghihiganti sa tulong ni Burdugul.

Papatayin ng  mala-gorilya ang taong umutas sa isa sa mga halimaw. Hindi katanggap-tanggap sa diwata na nabawasan ng isa ang sandaang halimaw.

SAMANTALA, nag-emergency meeting ang security force ng village at ang mga lider ng barangay.

Pati nga ang local media at ang mga tauhan ng mayor’s office ay nasa biglaang meeting.

“Nakita ko po mismo, kami ng iba pang sekyu, na nagtalbugan sa katawan ng goril­yang halimaw  ang mga bala!” patutoo ng mga sekyu.

Walang hindi nag-alala sa kakaibang pangyayaring iyon. Ang kaligtasan ng kani-kanilang pamilya ang naging panguna­hing concern.

“Posible palang basta na lang tayo papasukin sa bahay-bahay natin ng nilikhang tiyak na mula sa impiyerno!” sabi ng isang concerned parent.

“Ang question sa sandaling ito—nasaan na ang halimaw na di-tinatablan ng bala?”

SI BURDUGUL ay nasa tapat na ng bahay nina Miggy o Miguel.

Biglang binalya ni Burdugul ang pintuan ng mag-ama. Nawasak iyon, tumumba sa sahig na marmol. KABLAAM.

Nanlaki ang mga mata ni Miggy, nagising bigla ang mga tulog na halimaw sa kanyang katawan.

Ang tatay niya ay hindi nakaporma, inatake sa puso sa tindi ng takot sa nilalang na mala-gorilya.

MULA sa batis, ang diwatang lagi nang hubad, si Shirya, ay nagbigay ng utos. “Burdugul, patayin mo na ang pumatay sa  halimaw ko!”

Tinapatan ni Burdugul ang nakatimbuwang na ama ni Miggy. Itinaas na ang pamatay na solidong pambambo.

“HUWAAAG!” sigaw ni Miggy, buong lakas na sinuwag ang mala-gorilyang nilikha.

(Itutuloy)

vuukle comment

BIGLANG

BURDUGUL

HALIMAW

ITINAAS

ITUTULOY

MIGGY

MIGUEL

SHIRYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with