^

Para Malibang

Nakabuntis ang bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Limang taon na po kami ng bf ko. Balak na po sana naming magpakasal. Pero nitong nakaraang buwan ay nagtapat siya sa akin na nakabuntis daw s’ya. Syempre po nasaktan ako. Kaya lang sa halip na siya ang magpakumbaba, parang siya pa ang nagmamalaki. Mahal ba niya ako talaga? Kami kaya ang magkakatuluyan hanggang sa huli? Bigyan po ni’yo ako ng payo sa dapat kong gawin? Paano ko rin siya mapapahinto sa bisyo niyang pag-inom kasama ng mga barkada? - Bhe

Dear Bhe,

Dapat ka ng mag-isip tungkol sa magiging kinabukasan mo kung siya ang makakatuluyan mo. Ngayon pa lang ay lumalabas na ang tunay niyang kulay. Magsyota pa lang kayo ay nagawa ka na niyang kaliwain, paano pa kaya kung mag-asawa na kayo. Kausapin mo siya sa plano niya sa babaeng nabuntis niya. Kailangang malaman mo ito dahil posibleng magkaproblema kayo pagdating ng araw. Kung hindi man niya pakasalan yung babae, obligasyon pa rin niyang panagutan ang bata lalo na’t inamin niyang siya ang nakabuntis sa babae. Mahalagang pag-usapan ninyo ang mga bagay na ito bago n’yo planuhin ang pagpapakasal. Pag-isipan mo ring mabuti kung ang bf mo na ba ang lalaking karapat-dapat sa’yo at gusto mong makasama sa habambuhay. Gaya ng kasabihan ng matatanda, ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BALAK

BHE

BIGYAN

DAPAT

DEAR BHE

DEAR VANEZZA

GAYA

KAILANGANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with