^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (45)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

AWUUU...Awuuuu. Panay ang alulong ng aso sa sementeryo, sa halos katabi na ng nitsong inuupuan ni Avery.

Napaluha na naman ang dalagang lito pa rin kung buhay o patay. Napapailing siya sa alulong ng aso.

Alam niyang nagbabadya ito ng nalalapit na kamatayan ng sinumang mortal. Nais niyang mag-panic.  Sumagi sa isip ang taong posibleng mamamatay na, kundi man patay na pala.

“Natuluyan ka na ba, Russell, mahal?”

Lalo pang umalulong nang umalulong ang aso, ang dilim ng paligid ay parang magiging gabi ng lagim.

AWUUUU. Awuuuu.

May narinig na mga yabag si Avery. Nagmamadali, palapit, tumatakbo ang sinumang may-ari ng mga paa.

Nanlaki ang mga mata ng asong umaalulong, napatingin sa nagmamay-ari ng mga yabag.

“Putrakla kang aso kaaa! Umm!” galit na sigaw ng lalaki. Ibinato nito ang hawak na dos por dos.

Sapol sa katawan ang aso. Umaringking sa sakit. YIIPP.

Kumaripas ito ng takbo, papilay-pilay.

Nakadama ng awa sa aso si Avery. Ayaw na ayaw niyang pinagmamalupitan ang mga aso.

Ang sepulturero pala ang nagalit sa aso; halatang nasira ang tulog. “Buwiset! Huwag ka na talagang babalik at kukubain na kitaaa!”

Ewan kung napagod ang manong sepulturero, naupo muna ito sa kalapit na nitso—ilang dipa ang layo kay Avery.

Hinihika ito, inaatake ng asthma. Nahihirapang huminga ang manong. Hiii-inng. Hii-innng.

Dito naman naawa si Avery. Nilapitan ang hinihika. “Manong, dapat ay lagi mong dala ang iyong nebulizer. Wala ka po bang nebulizer?”

Walang reaksiyon sa sinabi ni Avery ang manong; obvious na hindi siya naririnig nito. Hindi rin siya nakikita. Hii-inng. Hii-inngg.

Nahiga ang matandang lalaki sa ibabaw ng nitso, habol ang paghinga.

Napalunok si Avery. “Mamamatay na si Manong, tulad ko?” (4 Labas)

vuukle comment

ALAM

ASO

AVERY

AWUUUU

AYAW

BUWISET

DITO

HII

MANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with