^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (36)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PINAMULAHAN ng mukha si Dexter sa ina­akalang biro ni Luna. Nakita raw kasi ni Luna ang ginawa niya sa loob ng  banyo habang nag-aalis ng init ng pagnanasa.

“Jeez, may ideya ba ang Lunang ’to na very intimate ang aking ginawa bilang lalake?” Sa isip  lamang ito  sinabi ng binata.

“Talaga, I really saw what you did. You are a very naughty man, Dexter.”

“Iha, stop it! Napipikon na sa iyo si Dexter!”

Nagpakahinahon si Dexter. Hindi na mabubura ng anumang kapintasan ni Luna ang pagmamahal niya sa dalaga.

Wala pa ring kaalaam-alam si Dexter na ang nais pakasalan ay  mismong si Tatiana na anak ng Ninang Sofia niya.

Lalong hindi alam ng binata na si Tatiana ay anak ng taga-ibang planeta at ilang buwan pa lamang ang edad.

Ang Ninang Sofia niya ang duda ngayon sa kaseryosohan ng pag-ibig ni Dexter. Talaga bang bigla na lang minahal ng binata ang babaing minsan lang nakita?

Hindi pa naman naniniwala sa love at first sight si Sofia.  Bungang-isip lang daw ito ng mga hopeless romantic.

Ang  tunay na pag-ibig, para kay Sofia, ay pinapanday ng pagkikilala nang maraming ulit; pinayayabong ng pagkakaunawaan.

“Paaano kung pati ang feeling ng inaanak ko ay pinakialaman pala ni Tatiana?” naisaloob ni Sofia.

Ang tiyak niya lamang ay si Tatiana ang labis na in-love ngayon kay Dexter.. Kung hanggang kailan ang pag-ibig na ito ay walang nakakaalam.

Napailing ang ina ng babaing kinakain ang lahat.                                    

“Not even William Tell can tell,” payak na biro ni Sofia sa sarili.

“Ako’y babalik as soon as possible, Luna. At tayo’y pakakasal na nga agad.” Inulit ni Dexter ang pangako.

Payapa nang kinawayan siya ni Luna alyas Tatiana hanggang sa makalabas na ng gate.

“Mommy, ihanap mo ako ng pustiso,” seryosong sabi ni Tatiana. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ANG NINANG SOFIA

BUNGANG

DEXTER

IHA

NINANG SOFIA

TALAGA

TATIANA

WILLIAM TELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with