^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (33)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI na napigil ang paglalapat ng mga labi nina Dexter at Tatiana alias ‘Luna’. Maapoy ang halikang ito, punumpuno ng desire.

Nasaksihan iyon ni Sofia. Walang magawa ang butihing ina, litung-lito.

Ang isip ni Sofia ay nakatuon pa rin sa kaligtasan ng inaanak; ayaw nga ni Sofia na makain ni Tatiana si Dexter.

Hindi na mahalaga sa kanya na gumagawa nang bawal ang dalawang kabataan; her baby is now in another mode—tila umiibig na.

Pero nasa isang bahagi ng isip ni Sofia ang posibilidad—na nagpi-play acting lang si Tatiana.

Baka raw ito ay tulad ng Black Widow spider, na pinadadama muna ang kapartner saka biglang kakainin!

Naghanda na ng pambambo kay Tatiana si Sofia. Hawak niya ang pigurin na binili pa ni Almario sa Italy.

 Bahala nang maga­lit na naman sa kanya si Almario dahil sa pigu­rin; mas mahalaga ang buhay ni Dexter.

Napailing na si Sofia sa tagal ng halikan nina Dexter at Tatiana. Nahahati ang puso niya sa dalawang nilalang na parehong mahalaga sa kanya.

Matatanggap ba naman niyang makain ng anak si Dexter?

Hindi rin katanggap-tanggap na sa mga sanda­ling ito ay gumagawa ng kalaswaan si Tatianang anak niya!

Paano ba niya ipaiintindi sa dalawa na bawal ang ginagawa? Na ang heavy kissing ay mauuwi sa higit pang bawal?

“STOP IT!” sigaw niya.

 Nabigla pa nga si Sofia  sa sarili,  na nagkaroon siya ng courage na sumigaw. “Oh my gosh! Did I really shout?”

 Napaigtad naman sina Dexter at Tatiana, natulig sa sigaw ni Sofia.

 Si Dexter ay ‘natauhan’, pumaibabaw ang likas na kagandahang-asal. Bakit nga ba nahila niya ang dalaga sa isang wala sa lugar na PDA o Public Display of Affection?

“I’m sorry po, Ninang Sofia, natangay ako...”

Si Tatiana naman ay halatang nabitin, hindi maitago ang inis.

   “Luna, I’m sorry... pati ikaw ay nabastos ko...” buong pakumbabang paghingi ni Dexter ng apology. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ALMARIO

BLACK WIDOW

DEXTER

DID I

NINANG SOFIA

PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION

SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with