^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGBANTA muna kay Tatiana si Almario bago nagtuloy sa office sa downtown. “Tandaan mo, Tatia­na, ako mismo ang papatay sa iyo kapag may masama kang ginawa sa misis ko!”  “Hindi ako kakainin ni Tatiana, Almario! Iginagalang ako ng anak ko!” gigil na depensa ni Sofia. “Wala ka kasing compassion kay Tatiana kaya ayaw niya sa iyo!”

Sinarili na lang ni Almario ang ngitngit, ayaw nang palalain ang sigalot nilang mag-asawa.  Sa kot­se ibinunton ang inis, malakas itong pinaarangkada. BRUUUMMM! Nag-iwan siya ng maitim na usok sa kalye. Kaydaming tao ang nakalanghap, nayabangan sa kanya.

“Mabangga ka sana!”

“Hayup! Matanggalan ka sana ng gulong!”

“Putimputi ang dress ko! Dimonyo kaaa!” Napansin naman ni Almario ang kanyang maling nagawa. He feels so bad pero hindi na makatigil para humingi ng apology.

“Siyet! Kasalanan ‘to ni Tatiana! Siya ang buwisit sa buhay ko!” SI TATIANA ay lihim ngang natutuwa na wala na sa bahay si Almario. Gusto ng dalagang taga-ibang planeta na mag-bonding sila ng ina. “Mommy, wala na po ang husband mo na bad guy.” “Anak, Tatiana, huwag na huwag mong iparirinig sa mister ko ‘yang pintas mo. Mapipikon na naman ‘yon.” Nagluluto na ng dalawang putahe si Sofia sa 2-burner gas stove.

“Ano po ang tawag diyan, Mommy?”

“Itong isa, anak, adobong pork. Itong isa pa, sinangag na kanin na maraming itlog na omelette. Tinatawag ding Silog.”

“Wow! Kaya lang po, Mommy, masyadong kokonti.” Para kay Tatiana, hindi sapat ang isang kawaling Silog. Kulang din ang isang kalderong adobong pork. “Mommy, am’ bangu-bango po kahit hindi pa luto!” “Oo, anak. Bayaan mo, titikim lang ako nang konti. Sa iyo na lahat...”

Hindi nagtagal ay nakaluto na si Sofia, ihinain agad sa mesa, SLURRP. NGUYAA. Kinain agad ni Tatiana, kaydaling naubos. (Itutuloy)

vuukle comment

ALMARIO

ANAK

ANO

BAYAAN

DIMONYO

HAYUP

ITONG

SILOG

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with