^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (8)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKITA nga ng mga co-teachers ni Head-Teacher Sofia ang matatalim na ngi­pin at pangil ni Tatiana. Nakita ring nasa crib ng bata ang pirapirasong hibla ng handbags nila.

Sabihin pa’y iisa ang pinaghinalaan ng mga kapwa-guro ni  Sofia.

Si Tatiana. 

Nagalit si Sofia, kung puwede lang ay palayasin na ang mga kapwa-guro. “Hindi na kayo nahiya? Ano ‘yang anak ko, monster? Piranha?”

“Sofia, nag-one plus one lang naman kami. Ibinase namin sa ebidensiya.”

“Circumstantial evidence lang ‘yan, hindi direct evidence! Basta wala kayong karapatang basta paghinalaan ang baby ko!” Gigil na gigil sa galit si Sofia.

Iiling-iling na umalis na ang mga kapwa-guro. Hindi nalinawan kung paano nga naubos at nawala ang mga handbags.

Ang tanging kunsuwelo nila, nangako si Soffia na bukas na bukas din ay babayaran sila sa mga nawala.  

Ang hindi agad mawawala ay ang samaan ng loob sa pagitan nila at ni Sofia alam nila.

KINARGA agad ni Sofia si Tatiana. Isinayaw-sayaw ito.

Kinausap. “Salbahe sila sa iyo, baby. Ikaw daw ang kumain sa mga bag nila?  Hay, naku, anak, hindi ko na sila iimbitahin dito sa bahay natin. Mamatay na sila sa pagtataka kung paanong nawala ang mga bag nila!”

“Pero paano nga kaya nawalang parang bula, anak? Katakataka...”  Nauwi sa malalim na pag-iisip si Sofia.

Takang-taka rin si Almario nang malaman ang mga nangyari. Hindi siya naniniwala sa mga multo, hindi rin tinatanggap na merong malalaking daga sa kanilang bahay.

“Pero paano ngang basta na lang nawala ang mga handbags ng co-teachers ko, Almario? Sa mismong bahay natin!”

Bumuntunghininga ang padre de pamilya. Naalala na naman ang kakaibang pinagmulan ni Tatiana.

Di ba nga ang bata ay anak ng alien mula sa Flying Saucer?

“Sofia, tanggapin mo na kasi na nabuntis ka matapos tamaan ng liwanag ng Flying Saucer. Baka nakakuha ng kakaibang power si Tatiana...”

“Walang kinalaman ang liwanag, Almario. Anak natin si Tatiana at palalakihin nating normal!” Pinandilatan ni Sofia si Almario.

                                                                                                (ITUTULOY)

vuukle comment

ALMARIO

FLYING SAUCER

HEAD-TEACHER SOFIA

PERO

SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with