^

Para Malibang

Mga sikreto ukol sa boobs

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Aminin natin mga kuya, lagi ninyong napapansin ang boobs ng mga babae, hinahangaan, ini-imagine, pinagnanasahan. Minsan kung nakadungaw ng kaunti ang boobs, iniisip ninyong mga lalaki kung ano ang itsura ng hindi ninyo nakikita. Kung napagbibigyan, manghang-mangha sa nakikita. Ngunit kahit ang kasabikan at pagnanasa sa boobs, wala talaga kayong masyadong alam tungkol dito.

Kaya komunsula ang Mens Health magazine sa mga sex experts at nagsurvey ng 700-babae. Ang lahat ng dapat malaman tungkol sa boobs ay malalaman na at dapat itong isaisip ng mga lalaki.

Ang pagkahilig ng mga lalaki sa boobs ay harmless - Karamihan sa mga babae  na nai-survey ay nagsabing harmless naman ang pagkahilig ng mga lalaki sa boobs. Ngunit hindi kaila sa kanila na tala­gang mahilig sa boobs ang mga lalaki. Sa katunayan ang ibang babae, ok lang sa kanila na tingnan ang kanilang boobs kaya nga ang iba ay nagsusuot ng plunging neckline. Ngunit hindi gusto ng mga babae na tinititigan ang kanilang boobs sa mahalay na paraan, okey lang ito kung titingnan ng may respeto.

Gustong gusto ng mga babae ang   kanilang boobs - Kinokonsidera ng mga babae na mahalagang bahagi ng kanilang sexual identity ang kanilang boobs kaysa sa kanilang  mga accessories o ibang bahagi ng kanilang katawan. Marami ang nagsabing, mas exciting ang hubarin ang kanilang pang-itaas na damit kumpara sa kanilang pang-ibaba,

Sa kama, walang alam ang mga lalaki tungkol sa boobs - Minsan ang mga lalaki, hinahawakan ang boobs ng partner kung  paano nila hawakan ang boobs ng ex sa paraang gusto nito. Pero kung ano ang gustong paghawak ng boobs ng ex mo ay hindi nangangahulugang ito rin ang gusto ng partner mo ngayon. Kaya sa tuwing maghuhubad ng bra ang iyong partner sa harap mo, burahin ang impormasyon ukol sa iyong mga ex pagdating sa boobs. Pag-aralan ang reaksiyon ng partner kapag hinahawakan mo ang boobs.

Ang boobs ay hindi lamang para sa sex - Ilagay sa isip na ang boobs ay hindi lamang para sa sex. Puwede rin itong gamitin sa emotional bonding. Halimbawa kung nasa kama, o nakaupo sa sofa bakit hindi humilig sa kanyang boobs na nagbibigay sa babae ng powerful na maternal para sa iyo. Isa pang tip, kung nagrereklamo ang babae na masakit ang kanyang boobs, bakit hindi mo alukin ng boobs massage. Wala naman kasing breast massage sa mga spa at ang kapartner lang ang maaaring makapagbigay nito.

 

 

vuukle comment

BABAE

BOOBS

KANILANG

KAYA

KUNG

LALAKI

MENS HEALTH

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with