^

Para Malibang

Nai-insecure sa taghiyawat

IDAING MO KAY VANEZZA - Pilipino Star Ngayon

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Lonely Boy, 19, binata. Madalas na insecure ako sa mga guwapong lalaki dahil may itsura sila samantalang ako pangit na, puro pa pimples. Gusto ko manligaw ng babae pero puro taghiyawat ako. Naglilinis naman ako ng mukha pero bakit ganun wala man lang nagkakagusto sa akin? Minsan ayoko na tuloy lumabas ng bahay para hindi na ako mainsecure. Ano pong maipapayo n’yo?

Dear Lonely Boy,

‘Wag kang malungkot. Hindi pa lang marahil dumarating ang tamang babae para sa’yo. Kung nabasted ka man, charge to experience. Wala ka man gf ngayon, hindi pa naman end of the world. Bata ka pa at marami pang magagandang opportunities na darating sa’yo. Tandaan mo na ang kapangitan ay nasa paningin lang ng taong mapang­husga. Ang panlabas na itsura ay kumukupas pero ang kagandahan ng loob ay tataglayin ng isang tao kahit wala na siya sa mundo. Kaya ‘wag ka sanang mawalan ng tiwala sa iyong sarili.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

BATA

DEAR LONELY BOY

DEAR VANEZZA

KAYA

LONELY BOY

MADALAS

MINSAN

NAGLILINIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with