^

Para Malibang

‘Summer fruit’

BODY PAX - Pang-masa

Ang pinya ay isa sa pinaka-popular na prutas sa buong mundo. Ito ay matamis, makatas at masarap. Nakapag bibigay ito ng nutrients na kailangan ng ating katawan upang maging malusog at malayo sa ilang mga sakit.

Mga banepisyo ng pagkain ng pinya:

1. Puno ng Bitamina at mineral.  Ang pinya ay puno ng Bitamina at mineral katulad ng Bitamina A, C, calcium, phosphorus at potassium. Ito rin ay mayaman sa fiber at calories. Nakakapagpababa sa fat at cholesterol. Lahat ng nutrients na nakukuha sa pagkain ng pinya ay may magandang benepisyo sa ating kalusugan.

2. Tumutulong na makaiwas sa ubo at sipon.Dahil ang pinya ay mayaman sa bitamina C, ito ay nakakatulong upang labanan ang virus na nagdudulot ng ubo at sipon. Kahit ikaw ay nahawahan ng nabanggit na sakit ay makakatulong ang pinya upang ikaw ay gumaling. Ang prutas na ito ay mayroong bromelain, kung saan ito ay epektibo upang hadlangan ang ubo at matanggal ang plema. Ang pagkain ng pinya habang umiinom ng tamang gamot na niriseta ng doctor sa iyong sakit ay nakakapagpabilis ng iyong paggaling.

3. Nagpapatibay ng mga buto. Nagpapalakas ng mga buto ang prutas na ito. Dahil  ito ay mayroong manganese na napag-alaman na kailangan ng ating katawan sa pagkakaroong ng matibay na buto at mga nag-uugnay na mga kalamnan. Sa katunayan ang pagkain ng isang cup ng pinya ay makakakuha ka  ng 73% ng manganese na kailangan ng iyong katawan.

vuukle comment

BITAMINA

BITAMINA A

DAHIL

KAHIT

LAHAT

NAGPAPALAKAS

PINYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with