^

Para Malibang

Type ang hipag

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay mag-35 anyos na at binata pa rin. Gusto ko na ring lumagay sa tahimik subalit wala pa akong natatagpuang babae na tutupad sa pangarap kong ito. Pero nang mamatay ang kapatid kong lalaki ay muling nabuhay ang aking pag-ibig sa aking hipag. Schoolmate kami nung college at noon pa man ay crush ko na siya. Pero type rin pala siya ng utol ko. Dahil mas matanda ako, kaya ako ang nagparaya. Hindi naman tutol ang nanay ko sa balak kong pakasalan ang aking hipag para kako hindi mapabayaan ang aking mga pamangkin. Hindi ko pa ito naipagtatapat sa hipag ko dahil baka masamain niya ang sasabihin ko. Ayaw kong isipin niya na humihingi ako ng kapalit sa pagtulong sa kanila. Ako kasi ang tumutulong sa kanila lalo na sa mga pamangkin ko. Hindi tuloy ako mapagkatulog ngayon. Ano kaya ang mabuti kong gawin? - Rod

Dear Rod,

Walang masama kung ligawan mo siya. Mas mabuti kung personal mong sasabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Puwede mo ring hingin ang tulong ng nanay mo na ipasabi sa mga magulang niya ang layunin mo para sa kanya. Magpahaging ka, kunwa’y gusto mo ng mag-asawa at hihingin mo ang opinyon niya. Tingnan mo ang kanyang magiging reaksiyon. Kung makikita naman nya sigurong tapat ang iyong hangarin ay maaring tanggapin n’ya ang pag-ibig mo.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANO

AYAW

DAHIL

DEAR ROD

DEAR VANEZZA

MAGPAHAGING

PERO

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with