^

Para Malibang

May ‘Tikas’ pa ba si Kuya? (3)

BODY PAX - Pang-masa

Ang pag-pump sa espasyong kulob ay  di-sagabal, di-drogang landas patungo sa isang ereksyon. Pinapasok sa penis ang isang plastic na tubo; samantalang ang hangin ay binubomba palabas, ang dugo ay nanatili sa ari. Ang paninigas ay napapanatili sa pagkabit ng isang lastiko sa puno ng penis. Ang ari ay nagkukulay asul at lumalamig pag hinipo. Maaari lamang na alisin ang lastiko pagkaraan ng 30 minuto para makaiwas ng pamamaga. Puwede rin ang dagdag-ari (banatin o di-nababali o lumulobo sa hangin) ngunit ito ay may mapanganib dahil sa pangmatagalan at na­ngangailangan ng operasyon. Maaaring magbunga ng komplikasyon. Ang operasyon ay may panganib na pagdurugo, impeksyon, o masamang pagtanggap ng anestisya. Matapos ang operasyon, ang pasyente ay sasailalim sa isang regular na theraphy ng 4 hanggang 8 linggo bago magamit ang dagdag na bahagi dulot sa operasyon. Ang karagdagang bahagi sa katawan ay maaaring maging abnormal, lalo na sa lumulobong bahagi.

Edyakulasyon at fertility ay mga mabigat na isyu para sa paralisadong lalaki. Gusto nilang malaman kung maaari pa silang maging ama ng tahanan. Kung hindi maaari ang edyakulasyon maaaring kolektahin ang malusog na semilya. Ang bibrator ay di-gaanong mahirap bilhin at ito ay epektibo para makapaggawa ng edyakulasyon sa bahay o sa klinika. Isang option ay Rectal probe elektro-edyakulasiyon (ginagawa ito sa loob ng clinic) kung ang vibrator ay hindi epektibo. Gaya ng ginagawa sa mga hayop ang elektro-edyakulasiyon ay nag­lalagay ng probe sa rectum, at ang edyakulasyon ay napapalabas sa pamamagitan ng elektrikal na pampatigas.

Ang semilyang nakolekta ay ginagamit sa ibat-ibang paraan ng artipisyal na pagtatalik, kasama rito ang in vitro technique at mikro-manipulasiyon. Paminsan-minsan, ang malusog na semilya ay mahinang lumangoy at hindi maka-abot sa itlog. Dito kailangan ang makabagong pamamaraan. Ang pagtuklas ng intracytoplasmic injection ng isang injection ng adult na semilya sa oocyte (egg), ay madalas nagkakaroon ng fertilization.

vuukle comment

DITO

EDYAKULASYON

GAYA

ISANG

MAAARI

MAAARING

MATAPOS

PAMINSAN

PINAPASOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with