^

Para Malibang

Aswang family (52)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TATLONG miyembro ng Aswang Family ang nagmamadaling magkubli sa sagingan, bago abutan ng liwanag ng umaga—si Shalinang manananggal, si Grecong tikbalang at ang orig na huklubang aswang na si Aling Mameng.  “Dali, anak, salubungin mo ang kalahati mong katawan na dala ni Greco! Daliiii!”

“Opo, Inay! Magmadali rin kayo! Mabagal kayong lumipad!”

“Anak, kasi’y nagpipiglas itong tangay kong biik!”

Gu-wii-iikk. Gu-wii-iikk. Naglilikot nga ang baboy na pang-lechon de leche. Takot na takot ito.

“Ito ang pagsasaluhan natin sa sagingan, anak! Pareho tayong takot pumatay ng tao, kaya biik na lang!”

Dinig ni Grecong tikbalang ang usapan ng misis at biyenan. Napapailing. Sila rin ng biyenang Kapreng bading ay takot makamatay o makasugat man lang ng tao.

Lalong binilisan ng tikbalang ang pagtakbo. Dala nga nito ang kalahati ng manananggal.

Pero hindi alam ng tatlong aswang ni Adwani, meron pang isang pakubli-kubling papasok sa sagingan.

“He-he-hee…Dapat kita ko Hatita! Dapat gawa uli kami bata!” Ang sintu-sinto, ang baliw ng bayan—si Isko.

Natanaw ng sintu-sinto ang dalawang aswang, nakilala agad ang maganda. “Hayun na itaas ni Hatita! Itatago ko uli kalahati niya!”

Kapapasok lang ni Grecong tikbalang sa sagingan. Inilapag agad sa maluwag na hawan doon ang kalahati ng asawang mananangal.

Iyon ang natanaw ni Iskong sintu-sinto. “Bantay ng mamaw Hatita!” Hatita nga ang tawag ni Isko sa pang-ibabang katawan ng manananggal. “Aagawin ko Hatita s-sa mamaw.”

Nakapasok na sa sa­­gingan si Shalinang ma­nananggal. 

“Eeeeee!” tili ng inang aswang.

Napalingon ang mag-asawang mana-nanggal at tikbalang.

“Shalina, nabitiwan ko ang biik!” Gu-wii-iikk. Gu-wii-iikk.

Nahuhulog ang biik, nasa ere, tiyak na patay kapag bumagsak.

Tagadag-tagadagg-tagadagg. Nanaig ang awa ng tikbalang.  Iniwan muna  ang kalahati ni Shalina, sasaluhin ang biik.  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AAGAWIN

ADWANI

ALING MAMENG

DAPAT

GRECONG

HATITA

ISKO

SHALINA

SHALINANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with