^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MINULTO ni Arlene ang tiwaling pulitiko, napalabas ito ng banyo—patakbong hubo’t hubad, sumisigaw sa takot. “Aaaaahh! Multooo!”

Naiskandalo ang mga maids, nasagwaan sa kahubaran ng among lalaki. “Eeeek! Takip ng mata, mga sis! ”

“Kadiri si Sir!”

“Meron daw…multo sa banyo…” Napali­ngon ang mga ito sa malaking bathroom.

“Naku, ha…hindi n’yo ako mapapapasok diyan.” Urung-sulong ang tatlong maids—kung sisilipin ang banyo o hindi.

Ang boss na pulitiko ay tuluy-tuloy ng takbo, wala pa ring tapalodo. Nakarating ito sa hardin; napa­nganga ang hardinera.

Kinuha ng politician ang hagdan na pang-akyat sa bubong. Isinandal ito sa gilid ng bubong na tisa.

“S-Sir?” Taka ang hardinera. Nahalatang wala sa sarili ang amo.

Kahit sagwang-sagwa sa kahubaran ng pulitiko, ang kapa­kanan nito ang naisip ng hardinerang may-edad na. “S-Sir, aakyat ka po…?” Umakyat nga ang pulitiko,  mabilis. Blangko ang mga mata.

Bumubulong. “550 million ang nakurakot ko sa nagdaang limang taon…puro ghost projects… puro ghost deliveries…”

Nakaakyat sa bubong, sumisigaw na. “MGA KABABAYAN KO—AKO’Y NANGURAKOT NG LIMANG DAANG MILYONG PISO! PURO GHOST PROJECTS!” 

Hambal na hambal ang mga disenteng homeowners ng exclusive village. Natanaw nila at narinig ang pangungumpisal ng mahalay na pulitiko. Nai-record nila sa video ang public confession ng corrupt politician.

“AND SO MY COUNTRYMEN, TO YOU I SAY ADIEU. MY END IS HERE…NOW!”

“Oh, MY God…tatalon siya…”

Tumalon nga ang politician, una ang ulo.

Sigawan-tilian ang mga nakasaksi. “EEEEE! OH MY GOD!”

Pati ang aktuwal na pagtalon ay nakunan ng video. Daig pa ang eksena sa bayolenteng pelikula. Patay agad ang dirty politician, dilat ang mata, basag ang bungo, hubad sa mundo. (ITUTULOY)

 

 

 

 

vuukle comment

AAAAAHH

BLANGKO

BRVBAR

BUMUBULONG

DAIG

EEEEK

HAMBAL

S-SIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with