^

Para Malibang

‘The Kiss’ (4)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MALAMIG na parang yelo ang bangkay ni Natalie, napapangising pagkumpirma kay Sam ng sepulturero ng memorial park.

Lihim na nakahinga nang maluwag si Sam, tama raw pala ang hula niyang siya ay nag-wild imagination lamang; hindi totoong mainit ang temperature ng hindi naaagnas na nobya.

“Sir, relax lang ho. Hindi naman itong si Miss Natalie lang ang hindi naagnas, marami nang iba pa.”

“Gano’n, manong?”

Tumango ang may-edad nang sepulturero. “Oho. Pero naagnas na rin  matapos ma-expose sa labas ng hukay. Ibig sabihin e pansamantala lang hindi nabulok sa ilalim ng lupa.”

Nagbalik na sa gawain ang sepulturero.

Napayapa sa loob ng musoleo si Sam. Muling minasdan nang buong pagmamahal si Natalie. Pero ibinalik na ang salaming takip ng kabaong nito.

“Rest in peace na, sweetie. Hindi mangyayari ang pangamba mo noon,” bulong ni Sam.

Hindi na naiwasan ng binata na balikan sa isip ang nakaraan. Ilang araw bago biglang namatay si Natalie ten years ago…

“Sam, hinarang ako sa dilim ng matangkad na lalaki!”

Hinabol ni Sam ang lalaki pero hindi naman inabot. Ayon kay Natalie ito ay guwapo, makaluma ang pananamit pati pananalita. Hindi rin tiyak kung ito ay kung anong lahi.

“Niyakap niya ako, Sam, titig na titig sa aki­ng leeg…”

Sumagi noon sa isip ni Sam ang horror mo­vies tungkol kay Dra­kula.

“Nais niya akong kagatin sa leeg, Sam, may pangil siya…”

Hindi raw naman nakagat si Natalie dahil nagpipiglas ang dalaga.               

Pero may iba raw nagawa ang lalaki, ayon kay Natalie.

“Nahalikan niya ako sa mga labi, Sam…”

“Damn! I’ll kill him, Natalie!”

“Babalikan daw niya ako after 10 years para muli akong halikan…”

Namatay si Natalie makaraan ang ilang araw. Heart failure, sabi ng mga doktor.

NGAYON nga’y sampung taon na ang nakaraan. “Puprotektahan kita, hindi ka muling mahahalikan ng lalaking’yon, Natalie.” (ITUTULOY)

                 

 

vuukle comment

AYON

BABALIKAN

DRA

MISS NATALIE

NATALIE

PERO

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with