^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (23)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGPATULOY ang media briefing ni Professor Torres tungkol sa impaktang taga-ibang planeta.

“Professor, bakit po labas-pasok sa bu­nganga nitong kapitbahay ninyo ‘yung alien?”

“Good question, hija. Ayon dito kay Brando, my neighbor, sabi ng impakta—sa tiyan niya nakasumpong ng pansamantalang tahanan si Morgama, the alien.”

“Morgama po ang ngalan? At nakakapagsalita ng lengguwahe natin?”

“Tama ka diyan. Ibig sabihi’y super-advance ang karunu­ngan nila. Sabi pa kay Brando, nasa spaceship ang linya ng komunikasayon nito sa planetang pinagmulan.”

Tatangu-tango ang mga mamamahayag, halatang naaaliw, hindi saktong naniniwala.

 â€œProfessor, kailan daw po lalabas sa bu­nganga ni Brando ang taga-ibang planeta?”

“Anytime daw po. Posibleng ngayon na, mamaya, bukas…”

Napailing ang karamihan. Wala palang kasiguruhan na mapapatunayan nila ang kini-claim ng propesor. Kung ilalabas ang balita, ito ay ituturing na hearsay, tsismis lamang.

Kung gayo’y halos walang news value; kuwentong barbero lamang.

Biglang namutla si Brando sa kinakukulungang selda. “P-Professor…p-palagay ko’y l-lalabas na.”

Naglapitan agad ang mga mamamahayag. Hindi sila natatakot sa super-liit na taga-ibang planeta kuno.

“Nakahanda kami, Brando, pati mga guards,” paniniyak ng propesor.

Itinuro ni Brando ang umbok sa tiyan na umuusad. “K-kakaiba po ang movement ngayon ni Morgama, propesor. Pababa-pataas…”

May nagbiro. “Aba, parang spaghetting pababa, spaghetting pataas. Hi-hi-hi.”

Nagkainteres ang media, halos hindi na humihinga sa pananabik.

Nakita nilang pinawisan sa noo si Brando, bubug-bubog. Namumutla-kinakabahan ang binata.

Bigla ang paglitaw ng impakta sa bunganga. Napatanga ang lahat.

“Hello po,” pa-cute na sabi nito, kita ang matatalas na ngipin.

“EEEEE!” Tilian sa takot ang kababaihan. (ITUTULOY)

vuukle comment

AYON

BIGLA

BIGLANG

BRANDO

IBIG

ITINURO

MORGAMA

NAGKAINTERES

NAGLAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with