^

Para Malibang

‘Hahanapin Kita (35)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HULING yakap. Huling halik. Ipinagkaloob ito ni Carmina kay Gabriel bilang pamamaalam. Pinalaya na ng namatay na nobya si Gabriel sa sumpaan; nais ni Carmina na magmahal na ng iba ang binata..

Ilang sandali pa, unti-unti nang naglaho ang kaluluwa, hinatid ng kaway  ni Gabriel. “Godspeed, Carmi. Pagpalain ka ni Lord.”

BAGONG buhay. Haharapin na ito ni Gabriel. May panibago siyang hahanapin.  Na kaya niyang mahalin at ibigin din.

“Sandra, nasaan ka na?” Hindi niya alam ang address ni Sandra, ayaw na nitong sumagot sa cell phone kapag kinokontak niya.

Pero hindi siya susuko sa paghahanap.

Napagawi si Gabriel sa tabing dagat. Dama niyang nasa paligid lamang si Sandra.

“Gabriel, nasa kiosk sa dulo.” Napalingon si Gabriel sa pamilyar nang tinig ng babae.

Ang hitana. Hindi na nagalit si Gabriel. Nagngitian sila.

Tinakbo na ni Gabriel ang direksiyon ng kiosk.

Tama nga ang mahiwagang babae. Naroon ang dalagang hinahanap, malungkot na nagpapalamig.

“Sandra.”

Pleasantly surprised si Sandra. “Gabriel, paano mo ako natunton?”

“Ang puso ay may sariling paraan, Sandra. Malaya na ako kay Carmina, puwede nang muling magmahal…ng iba.”

Kinabahan si Sandra. Tama ba ang bulong ng kanyang puso?

“S-Sinong iba?” tanong niya.

“Ikaw, Sandra. Noon pa mang mag-overnight tayo, natuklasan ko na sa puso kong nais kitang mahalin.”

“Hindi magdaramdam si Carmina?”

Nagpaliwanag si Gabriel. “Hindi na pala siya nagpakita noon, hoping na magmu-move on ako. Nais niya akong lumigaya nang normal.”

“Y-you love me ?” paniniyak ni Sandra.

Yakap na mahigpit, at halik na madamdamin ang tugon ni Gabriel.

“Congratulations. Liligaya kayo,” sabi ng nasa likuran nila.

“Hitana! Thank you!” Kilala na rin pala ito ni Sandra.

May huling tanong sa hitana si Gabriel. “Who are you?”

“Ako si Cool It, ang makulit na anghel ng Langit.” Nagkatawanan. Liligaya sina Gabriel at Sandra, tiyak iyon.  End. (Up Next: The Rainbow

vuukle comment

CARMI

CARMINA

COOL IT

GABRIEL

LILIGAYA

SANDRA

TAMA

UP NEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with