^

Pang Movies

Semana Santa, nagiging bakasyon grande ng mga celeb

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tuwing sumasapit ang Semana Santa ay kanya-kanyang paraan ang mga artista para gunitain ito at ito rin ang pagkakataon nila makapagbakasyon kahit sandali lang.

Ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ay magtutungo sa US ngayong Holy Week kasama of course ang dalawa nilang anak na sina Zia and Sixto.

Ito raw ang first out the country ni Sixto kaya excited ang mag-asawa sa kanilang family bonding.

Ang mag-asawa namang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay sa kanilang bahay lang sa Tanay, Rizal palilipasin ang Semana Santa with the whole family.

“Ayaw namin makipagsabayan out of town. Magpapalayo-layo kami sa bundok. Sa may probinsya muna,” sabi ni Jen sa 24 Oras.

Base naman sa IG post ni Nadine Lustre ay nasa South Korea siya kasama ang boyfriend na si Christopher Bariou. Nasa nasabing bansa rin si Bea Alonzo.

Si Barbie Forteza naman ay sa kanyang bagong bahay lang kasama rin ang kanyang pamilya. Sinisimulan na rin daw ng aktres na mag-impake para sa kanilang Sparkle tour sa Canada.

Ivana, hubo’t hubad ‘pag natutulog

Sa latest vlog ni Ivana Alawi ay nagpa-tour siya sa kanyang bedroom and walk-in closet at siyempre, along the way ay may mga tsika ang aktres/vlogger na kinaaliwan ng kanyang milyun-milyong subscribers.

Isa sa kanyang isinawalat ay hindi pa raw siya nagdadala ng lalaki sa kanyang kwarto. “Welcome to my bedroom! This is where all the magic happens,” sey ni Ivana na tila may insinuwasyon.

“Yuck!” natatawa niyang dagdag, “just sleeping. Hoy, hindi pa naman ako nagdadala ng lalaki dito.”

Voiceover ng kapatid niyang si Mona Alawi na siyang nagbi-video, “hindi pa naman?”

Sey naman ni Ivana, “hindi mo sure” sabay-tawa.

Ipinakita rin niya ang kanyang undies, brassieres at mga damit pangtulog. Pero rebelasyon niya, wala raw siyang damit ‘pag natutulog.

“Usually guys, hindi ako nagdadamit talaga ‘pag natutulog mag-isa,” she said.

Pero kapag may kasama, siyempre ay nakadamit daw siya.

“Ang pangit namang maghubad ako, ‘di ba, tapos ‘andiyan… (may ibang tao),” aniya.

Sinabi rin ni Ivana na kasalukuyan siyang nagpapagawa ng kanyang dream home at sobrang excited na raw siya. “I’m building my dream home, so sabay-sabay nating ginagawa and I’m excited to show you ‘pag natapos na siya,” sey niya.

Alden, umalis sa party ni Kathryn

Nagkalat ngayon sa internet ang photos and videos ng kaganapan sa yacht birthday party ni Kathryn Bernardo in Isla Amara na pag-aari ng aktres along with Piolo Pascual.

Mismong ang guests nga ang nag-post nito sa kani-kanilang Instagram stories.

Isa sa nakaw-atensyon sa party ay ang pagdalo ng leading man ni Kathryn sa 2019 film na Hello, Love, Goodbye na si Alden Richards.

Mistulang naging reunion nga ito ng cast ng pelikula dahil naroroon din sina Lovely Abella, Maymay Entrata and Kakai Bautista.

Pero dinig namin ay uuwi rin agad si Alden para makasama ang kanyang lolo at lola ngayong Holy Week.

Bukod sa mga nabanggit ay spotted din na dumalo sa celebration sina Joshua Garcia with rumored girlfriend Emilienne Vigier, Miles Ocampo, Jericho Rosales, Dominic Roque, Alora Sasam, fashion designer Mark Bumgarner at marami pang iba.

Aside from the yacht party ay nagkaroon din ng celebration si Kath sa kanyang beach resort.

Makikita sa photos and videos na naglabasan na super-happy naman si Kathryn celebrating her 28th birthday with friends kahit na loveless siya.

Ito ang first birthday party ng aktres na single siya after 11 years.

Samantala, bumati rin naman ang ex-boyfriend niya na si Daniel Padilla sa kaarawan ng aktres.

vuukle comment

HOLYWEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with