^

Pang Movies

Litrato ng Lizquen, pinag-aawayan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Litrato ng Lizquen, pinag-aawayan!
Lizquen
STAR/ File

Tuloy ang bangayan ng fans nina Liza Soberano at Enrique Gil kung new o old photo na ng LizQuen ang pinost ng dating manager ni Liza.

Kaya pinost ang larawan para siguro ikorek ang lumabas na balitang break na ang LizQuen.

Kaya lang, naging daan ng bangayan ng fans ang larawan dahil may nagsabing old photo ‘yun dahil iba raw ang buhok ni Liza at wala siyang bangs. Ngayon kasi, may bangs na raw si Liza. Old photo ang larawan na kuha sa isang condo dahil hindi na sa condo nakatira ang mga binisita nina Liza at Enrique.

May nag-insist namang new photo nina Liza at Enrique ang lumabas dahil malaki na ang anak ng former manager ni Liza na bumisita lang ng bansa at bumisita sa bahay nila.

Dahil parehong tahimik sina Liza at Enrique sa isyung ito, mabuti siguro kung ‘yung mga tao na kasama sa picture ang tanungin kung bago ba o luma ang larawang nagiging dahilan ng bangayan.

Dabarkads fans, kinontra ang offer ng PTV

Inimbitahan ni PTV Network General Manager Julio O. Castillo Jr., sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang ‘Dabarkads’ na i-consider nila ang government TV network bilang bago nilang tahanan at para sa Eat Bulaga.

Sa video na napanood namin, nabanggit ni Mr. Castillo na bukas ang nasabing network sa Dabarkads. “Bukas po ang PTV na samahan kami para makipag-collaborate. Maganda ang aming mai-offer. Pls, join us, bukas ang ating network para sa inyong programa,” sabi nito.

Nabanggit din niya na kilala ang TVJ sa kanilang pagtulong, pagsusulong ng kulturang Pinoy, at paghahatid ng isanlibo’t isang tuwa na sakto sa magiging partnership nila sa PTV kung sakali. Dagdag pa nito, umaabot na ang PTV sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nakakaaliw lang ang reaction ng netizens sa offer na ito ng PTV. Saan daw kukunin ng PTV ang ibabayad na talent fee sa Dabarkads na umaabot sa milyones? May nag-comment pang mahina pa rin ang signal ng PTV at kahit dito sa Metro Manila, malabo ang kanilang signal.

Sa mga nabasa naming comments, marami ang ayaw na sa PTV lumipat ang Dabarkads. Maghanap na lang daw sina Tito Sen ng ibang network, huwag lang sa government-owned network.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with