^

Pang Movies

Kaya inaatake...Boobay, sinasagad ang sarili!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nataranta ang staff ng Fast Talk with Boy Abunda nang biglang atakehin ng mild seizure ang Kapuso comedian na si Boobay habang ini-interview ito ni Tito Boy.
Bigla na lang daw hindi na makasagot nang maayos si Boobay at naramdaman na ni Tito Boy na may nangyayari nang kakaiba sa kanyang ini-interview.

Agad naman daw inasikaso si Boobay ng medical personnel na present sa studio noong mag-commercial break. Bumuti naman daw ang pakiramdam ni Boobay at natuloy rin ang interview.

Bago pala sumalang si Boobay sa interview with Tito Boy, nagpasabi na ang handler nito na baka hindi ito matuloy dahil may hindi na raw ito nararamdaman na tama noong mag-taping sila ng The Boobay and Tekla Show.

Kuwento ni Boobay: “Noong Miyerkules nagte-taping kami tapos bigla akong nag-hang sa Boobay and Tekla Show, siguro dahil ‘yun sa ilaw din. At the same time kaunti pa ang tulog ko noon, na maling mali sa ginawa ko na dapat kailangan talaga bago ka pumunta sa isang trabaho huwag ka munang kukuha ng ibang trabaho para kahit paano mailagay mo ang katawan mo sa maayos.”

Lagi raw sinasabihan si Boobay na magpahinga naman dahil hindi na kasing lakas ang katawan niya tulad ng dati. Pero gusto lang daw niya ay ang magpasaya ng maraming tao kaya ‘di niya mapigilan ang tumanggap ng trabaho.

Noong 2016 ay nagka-mild stroke si Boobay dahil nasagad ang katawan nito sa trabaho. Muntik na niya raw itong ikamatay o ikaparalisa ng katawan. Pero dahil sa ex-partner niya na si Kent Resquir, inalagaan daw siya nito at tinulungan sa kanyang pagpapa-physical therapy para manumbalik ang sigla ng katawan nito.

Everybody loves Raymond Star, naagapan ang sakit

Nag-open up ang star ng hit sitcom na Everybody Loves Raymond na si Ray Romano sa pinadaanan niyang heart surgery.
Ayon sa stage and TV comedian, naagapan daw nila ang problema bago siya magkaroon ng heart attack: “I got kinda lucky that we found it before having a heart attack. I just had to have a stent put in. Had 90 percent blockage in the main artery, what they call the widow-maker.”
Twenty years na raw nakikipaglaban si Romano sa kanyang cholesterol level. Hindi raw niya ma-sustain ang healthy habit pagdating sa pagkain.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with