^

Pang Movies

Dingdong at Jessa, naiyak sa ginawa ng anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dingdong at Jessa, naiyak sa ginawa ng anak
Jayda

Sobrang proud ang celebrity couple na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa unica hija nila na si Jayda Avanzado (19) dahil unti-unti na rin itong guma­gawa ng sarili niyang pangalan.

Napanood ng mag-asawa ang premiere night ng launching series ng tambalan nina Jayda at Aljon Jimenez,  ang Teen Clash isang proyekto ng Black Sheep Productions for iWantTFC.

Hindi ikinakaila ng mag-asawa na sila’y naging emotional habang pinapanood nila sa big screen ang kanilang anak who has grown into a beautiful and talented teener.

Sampung taon pa lamang noon si Jayda nang magsimula itong magtanong sa kanyang dad (Dingdong) kung paano magsulat ng kanta pero nagsimula lamang siyang turuan nung siya’y dose anyos na. As early as she was 10 ay alam na ng mag-asawa na may kakaibang talent ang kanilang anak hindi lamang sa pagkanta kundi maging sa pagsusulat ng kanya at paggamit ng iba’t ibang musical instruments including piano and guitar.

Since nasa edad na rin si Jayda, hinahayaan na rin siya ng kanyang parents na mag-grow as a person pero nariyan lang sila to guide and advise her kung kinakailangan.

Samantala, paalis ang mag-asawang Dingdong at Jessa ngayong Sabado, March 18, pabalik ng Amerika for their separate series of shows in the US at sa Canada. May sarili ring bahay ang couple sa Burbank in Los Angeles, California, USA na sarado lamang kapag sila’y nasa Pilipinas.

Kapag hindi busy si Dingdong, sinasamahan niya ang kanyang misis at siya na rin mismo ang personal na nagdidirek sa shows nito. Pansamantala ring tumigil si Dingdong sa kanyang political career para matutukan ang nagsisimulang career ng kanilang anak at kanilang career ng misis.

Ise-celebrate ng couple ang kanilang ika-22nd anniversary bilang mag-asawa sa himpapawid dahil sa araw mismo ng March 18 ang kanilang lipad pa-Amerika.

Piolo, may sanctuary

Isa ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual na marunong mag-invest sa perang kanyang kinikita through the years at kasama na rito ang pag-i-invest niya sa real properties both here and abroad. Pinasok din nito ang pagiging movie producer sa pamamagitan ng Spring Films.

When not busy, si Piolo ay matatagpuan sa kanyang ipinatayong hill-top house resort in Batangas para malapit siya sa nature at nagsisilbi niyang sanctuary kung saan niya nararamdaman ang tranquility at peace of mind.

Sa pagkakaalam namin, si Piolo ay may nabili ring bahay sa Los Angeles, California at Las Vegas, Nevada at labas pa ang mga ito sa kanyang investment sa Sun Life kung saan siya ng brand ambassador for so many years.

The 46-year-old Kapamilya actor and entrepreneur has no immediate plans na bumuo ng sarili niyang pamilya kahit matagal silang na-link ng nakababatang kapatid ni Vina Morales na si Shaina Magdayao. 

vuukle comment

JAYDA AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with