^

Pang Movies

Ken, kinumpisal na hindi siya nagseryoso kay Rita

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ken, kinumpisal na hindi siya nagseryoso kay Rita
Rita at Ken

Personal na inamin sa amin ng Kapuso singer-actor-entrepreneur na si Ken Chan na kamuntik maging sila ng kanyang ka-loveteam na si Rita Daniela who is now heavy with her first child sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon kay Ken, they were more than friends ni Rita at genuine umano ang kanilang relasyon na kamuntik mauwi sa totoong relasyon pero dahil hindi pa umano siya handang sumuong sa pagkakaroon ng sariling pamilya at pagkakaroon ng anak na siyang gusto umano ni Rita.

Nagkahiwalay man sila, nanatili naman silang magkaibigan.

Katunayan masayang-masaya si Ken para kay Rita na matutupad na umano ang pagkakaroon nito ng sariling anak.

Si Ken naman, being the breadwinner ng kanyang pamilya ay marami pang mga plano sa buhay bago siya lumagay sa tahimik.

Unknown to many, bukod sa magandang takbo ng kanyang career sa GMA network ay isa rin siyang successful businessman. He co-owns 10 gasoline stations, five Café Claus (his baby project) na meron nang five branches, isang travel agency (East Travel Tours) at Aromatic Care Massage Chair at iba pa.

Aminado ang Kapuso actor na nakuha umano niya ang kanyang business talent sa kanyang maysakit na ama, isang pure Chinese national na isa na ngayong naturalized Filipino citizen na si Allan Chan.

Magmula nang magkasakit ang ama ni Ken ay siya na umano ang tumayong breadwinner ng kanyang pamilya.

King Charles III, uupo na sa british throne

Kaarawan ni Mama Mary last Sept. 8 nang sumakabilang-buhay ang longest-reigning Bri­tish monarch na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Huli siyang nagpakita sa publiko nung nakaraang Martes, Sept. 6 bago siya sumailalim sa medical supervision hanggang sa kanyang pagpanaw.

Umabot ng pitong dekada ang pagiging reyna ng ina nina Prince Charles (na ngayon ay siya nang nakaupo sa British throne bilang King Charles III) at mga kapatid nitong sina Prince Andrew, Duke of York; Anne, Princess Royal at Prince Edward, Earl of Wessex.

Si King Charles III ay ama ng magkapatid na Prince William at Prince Harry at mga anak sa namayapang Diana, Princess of Wales.

Si Prince William ang susunod sa trono ng kanilang ama ni Prince Harry. Next in line ay ang tatlong anak nina Prince William at Kate Middleton na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis of Cambridge at saka lamang susunod si Prince Harry at anak nitong si Archie Harrison Mountbatten-Windsor according to the succession to the throne.

Ang mister ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip, Duke of Edinburgh ay kasaluku­yang nakalagak sa Royal Vault ng St. George’s Chapel pero ito’y ilipat (sa loob din ng chapel) kasama ang mga labi ni Queen Elizabeth II ayon sa reports.

Si Prince Philip ay sumakabilang-buhay nung April 2021.

Ang chapel ay ipinangalan sa ama ni Queen Elizabeth II and was built nung 1969. Sa nasabing chapel nakalagak ang mga labi ni King George at Elizabeth I, the Queen Mother gayundin si Princess Margaret at dito rin nakahimlay si Prince Philip kung saan itatabi sa kanya si Queen Elizabeth II.

Bukod sa British Prime Minister na si Lizz Truss, agad nagpaabot ng pakikiramay ang iba’t ibang head of States na pinangunahan ni US President Joe Biden at ang US First Lady na si Jill Biden.

Si Pangulong Biden ay lumagda sa Condolence Book at the British Embassy in Washington in the presence ni First Lady Jill Biden at UK Ambassador to the US na si Karen Pierce.

Ang buong mundo ay nagluluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with