^

Pang Movies

Cesar, pitong oras napaghandaan si Ex Pres. Marcos!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mabilis na kumalat sa social media ang official trailer ng Maid in Malacañang  ng Viva Films habang idinaraos ang mediacon ng movie na dinirek ni Darryl Yap last Sunday.

Kaya naman ilang oras pa lamang streamlined ang trailer, mabilis itong nag-trending at millions agad ang views nito. 

Pinangunahan ang cast nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, and Beverly Salviejo.

Parehong pinuri ni Direk Darryl ang acting nina Cesar as the late President Ferdinand E. Marcos at Cristine as the Marcos eldest daughter Imee.  Ayon kay Cesar, naging very challenging sa kanya ang pagganap sa role ni President Marcos, dahil konting panahon lamang ang naibigay sa kanya para pag-aralan ang role. “Kung noong gawin ko ang Jose Rizal ay binigyan ako ng 7 months para pag-aralan ang role, dito I was only given 7 hours to prepare.  Pero kahit limited ang preparation ko, hindi ko sinayang ang oras para matutunan ko ang kanyang role. Salamat kay Direk Darryl sa pagtulong niya sa akin.”

Isa ring pupurihing acting sa movie ay kay Cristine bilang si Imee Marcos. “Parang naging passion ko, nang i-offer sa akin ng Viva ang role ni Madam Imee. Kaya may hugot ako sa malungkot kong childhood na nagamit ko sa movie, dahil iba ang pagmamahal at pagtatanggol ni Imee sa kanyang pamilya. Naging emotional nga ako nang i-portray ko ang kanyang character,” hiling pa ni Cristine.

Sa August 3 na ang simula ng showing ng Maid in Malacañang in theaters nationwide at may streamline screening ito para sa mga Filipino abroad.

Mikee, nabubuko na

Paboritong panoorin ng mga netizen ang GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit, hindi lamang dahil sa magandang story nito, kundi sa husay ng lahat ng bumubuo ng cast, sina Ms. Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at Lianne Valentin, na nakita ang husay niya bilang ang kontrabidang si Stella.

But this time, nakatutok na ang story kay Mikee Quintos, as Ning, ang nag-iisang anak ni Gemma (Maricel). Kaabang-abang na kung paano lalaban si Ning kina Cesar (Zoren) at Stella, ngayong dahan-dahan na niyang nabubuko ang mga plano at panloloko ni Cesar sa kanilang mag-ina.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with