^

Pang Movies

Yassi, nagsalita sa bading rumor kay James   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Yassi, nagsalita sa bading rumor kay James                  

Ipinagtanggol ni Yassi Pressman ang kaibigang si James Reid sa ispekulasyong gay ito dahil nga sa nag-viral na kissing photo ng aktor sa kapwa-lalaki na nangangalang James din.

Sa press tsikahan with Yassi para sa Season 2 ng Rolling In It Philippines last Wednesday, isa sa naitanong sa kanya ang issue kay James since best friend niya ito.

It turned out na kilala pala niya ang non-showbiz James na ito. “Yeah, oo, they’re business partners. And James, me and James Reid, we all have the same birthday. So, baka binati lang nila ‘yung isa’t isa ng ‘happy birthday,’” paglilinaw ni Yassi.

Natanong din ang aktres hinggil sa pagpanaw ng veteran actress na si Susan Roces na as we all know ay nakasama niya sa mahabang panahon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon kay Yassi ay hindi raw siya makapaniwala nang malaman niya ang malungkot na balita dahil last month lang ay itinext pa niya ito. “After ko pong mag-visit kahapon (sa wake), siguro I was able to let her know how I feel. It was very emotional for me yesterday din po. Siguro kaya rin po wala akong boses kasi hindi rin ako masyadong nakatulog kasi syempre, the last time I was there was for my Dad,” kwento ni Yassi.

Kagagaling lang daw niya sa Bacolod para dumalo sa isang wedding nang mabalitaan niya ang tungkol sa pagpanaw ni tita Susan. Last month lang daw ay nag-message pa siya rito pero ang nag-reply raw ay ang apo nitong si Brian Llamanzares.

Nagtaka siya kung bakit hindi si Tita Susan ang nag-reply at tinanong niya si Brian kung ok lang ba ang veteran actress.

“Sabi naman ni Bryan, she’s okay. So hindi na po ako nagtanong. But I just couldn’t believe that that happened,” seryosong sabi ni Yassi.

Aminado siyang mahirap din para sa kanya ang nangyari dahil ilang taon niyang halos araw-araw kasama si tita Susan sa taping ng FPJAP.

On the lighter side of things, masaya si Yassi na marami ang natutuwa sa style of hosting niya sa Rolling In It ng TV5 na muling nagbabalik para sa Season 2.

Muling ibabahagi ni Yassi kanyang hosting prowess sa bagong season ng programa, kung saan mapapanood sina Nadine Lustre, YouTube sensation Chad Kinis, at theater-star Jerald Napoles sa pilot episode nito. Maliban sa showbiz stars, mapapanood din sa brand new season ang mga sports personalities, comedians, at iba pa.

Magsisimula naman ang season 2 ngayong May 28 na, 7:30 p.m. sa TV5.

Paul, ayaw madaliin si Mikee

Mukhang seryoso si Paul Salas kay Mikee Quintos dahil inamin niyang gusto raw niya na ito na ang kanyang last relationship.

“Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga pa-25 na po ako, so gusto ko parang kung ito naman, gusto ko ito na ‘yung last,” pahayag ni Paul sa episode ng Suprise Guest With Pia Arcangel.

Ikinuwento rin ng aktor kung paano nagsimula magandang pagtitinginan nila ni Mikee nang magkasama sila sa The Lost Recipe. Pero nag-start daw silang mag-date after ng serye.

Ayon kay Pau ay nasa dating stage pa lang naman daw sila ni Mikee at pareho sila ng outlook ng aktres na ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with