^

Pang Movies

Angel, walang natanggap na VIP treatment   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angel, walang natanggap na VIP treatment                

Sa araw ng eleksyon kahapon (May 9), minsan pa ay ipinaha­yag nina Angel Locsin at Jodi Sta Maria ang paghanga kay Vice President Leni Robredo.

Balitang-balita nga kasi kahapon ang ginawang pagpila ni VP Leni ng halos 2 oras para lamang makaboto sa kanyang precinct  sa Magarao, Camarines Sur.

Ipinost nina Jodi at Angel sa kanilang social media accounts ang mga larawan ni VP Leni habang nakapila at puring-puri nila ang kanilang sinusuportahang Presidential candidate.

Sa caption ay ikinuwento ni Angel na kahit sa  rallies ay wala talagang pa-VIP simply because si VP Leni mismo ay hindi pa-VIP.

“Sa lahat ng campaign rallies nila na napuntahan ko, walang VIP passes or area. Backstage pass lang for talents and prod team. Simple lang ang mga tent.

“Kahit kaming nga artista na sanay sa VVIP treatment, walang nagpa-VIP kasi kung siya nga napaka-simple, nakakahiya namang mas maarte ka pa  pag sa eroplano, economy ang ticket lang rin kami pag nag vo-volunteer mag ikot. Wala rin akong nakitang nag private plane or helicopter na inimbita.

“This is my observation. Sumunod kami by example, hindi dahil nasabihan :) Ang gandang example na pumipila kagaya ng lahat. Sumusunod sa rules. Walang mas nakakataas. Pantay pantay respeto sa mga pumipila at naiinitan.

“An appreciation post sa lahat ng pumipila ng maayos at hindi nag pa VIP. Not a campaign post,” ang pahayag ni Angel.

Sa tweet naman ni Jodi ay sinabi niyang nakakaiyak daw ang humility ni VP. Leni.

“Nakakaiyak ang humility nya. Pumila. Naghintay. Walang special treatment.

“Pilipinas, kahit mainit, mahaba ang pila, boboto tayo! Ito ang pinakamahalagang people’s rally natin. Wag uuwi hanggat hindi nakikita ang resibo ng boto nyo. Ikaw mismo ang maglalagay ng ballot sa VCM,” tweet ni Jodi.

Sharon pumila ng apat na oras

 Mas matindi naman ang haba ng oras ng ipinila ng mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niyang halos 4 hours daw silang pumila.

Pero wala namang reklamo si Mega at aniya ay happy raw silang nakapila with other voters na ang iba ay nagpa-picture pa sa kanila.

“Done voting!!! Happily stayed in line with other voters for just a few minutss short of four hours. Met so many nice people who had their pics taken with us. Maraming salamat po especially to all our volunteers, all our brave and patient teachers, and all our supporters! May Almighty God bless the Philippines!!!” caption ni Mega sa larawan ng daliri nila ng mister na may indelible ink.

Maaga pa lang ay nasa kanilang precinct na ang mag-asawa sa Silang, Cavite para bumoto at makikita nga sa isang larawan na ipinost niya na nasa gitna sila ng pila kasama ang iba pang botante.

“Today is the day that we have all been waiting for. Para ito sa mga anak natin at mga kapwa Pilipino sa buong mundo. Today we all line up as responsible citizens of the Philippines and we pray that God will bless our country with leaders who will do what is best for all of us,” caption ni Shawie. 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with