^

Pang Movies

Senatoriable na hindi pumapasok sa survey, aatras na sa laban!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Sino ang senatoriable ang suko na at magwi-withdraw ng kanyang kandidatura anytime now?

Ramdam daw ng senatoriable na hindi siya mananalo kaya ayaw na diumano nitong gumastos bukod pa sa hindi na magpapagod sa pangangampanya.

Never pumasok sa top 12 ng mga survey ang nasabing senatoriable.

Pero nasa balota pa rin ang pangalan nito kahit pa umatras siya dahil ilang kembot na lang botohan na at gawa na ang mga balota.

First time sana nitong susubok sa senado.

Matapos regaluhan ng bahay... Rhian, ayaw ilantad ang relasyon sa mayamang negosyante?!

Wow spotted sa Boracay two weeks ago sina Rhian Ramos and Sam Verzosa ng Frontrow.

Walang inaamin ang dalawa pero may ilang friends nila ang may alam sa kanilang relasyon.

Ang chika, niregaluhan pa diumano ng bahay ni Sam si Rhian sa isang exclusive village, Corinthian.

Common knowledge sa showbiz industry kung gaano kayaman si Sam na bestfriend ni Willie Revillame.

Though nagka-issue recently lang na nag-split sina Rhian and Sam pero ‘yun nga nakita diumano sila sa Boracay two weeks ago.

Maraming post si Rhian na nasa island though hindi niya binanggit kung sa Boracay nga ‘yun.

Si Sam ang big boss ng Frontrow na lahat na yata ng malalaking international celebrity ay nakuha na nila bilang endorser kasama na ang BTS at ang boksingerong si Floyd Mayweather. 

Bukod pa rito, siya rin ang president ng Maserati Philippines (brand ng luxury car).

Suwerte si Rhian kung pakakasalan siya ng business mogul na separated sa kanyang misis.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with