^

Pang Movies

Ryan, nagkakaroon ng alopecia every two years!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ryan, nagkakaroon ng alopecia every two years!

Naka-relate si Ryan Agoncillo sa usapang alopecia sa April 2, episode ng Eat... Bulaga dahil na-diagnose rin pala siyang may alopecia when he was 17 years old. Sa kaso ni Ryan, recurring ang alopecia niya, bumabalik daw every two years at hindi siya tuluyang nakalbo.

May mga bald patches lang daw siya sa ulo at nagpahaba siya ng hair para matakpan ang bald patches niya. May mga project daw siyang mahaba ang hair niya dahil pala ‘yun sa kanyang alopecia.

Hindi nabanggit ni Ryan kung hanggang ngayon pa ang steroids injection sa kanya, pero dati, every week ang injection niya.

Ruru at Bianca, nagkabalikan

Sapatos lang ng lalake at babae ang ipinost ni Ruru Madrid, masaya na ang fans nina Ruru at Bianca Umali dahil alam nila na sapatos nina Ruru at Bianca ‘yun. Ibig sabihin daw, together again ang dalawa na kailan lang nabalitang nag-break at nagkabalikan din.

“As it was” ang caption ni Ruru sa kanyang post at may comment si Bianca ng emojis ng flower, star, at red heart emojis.

Comment ng isang netizen, ganu’ng sapatos at damit na suot nina Ruru at Bianca nang makita niya sa Greenbelt. So, nagmu-malling na uli na magkasama ang dalawa.

Speaking of Ruru, tuluy-tuloy ang kanyang theraphy at workout bilang paghahanda sa pagre-resume ng taping ng Lolong na after Holy Week na raw. Five days na lang daw ang natitira sa taping days, habol na habol pa ito sa airing date na July 18 na raw kahit matagalan ang post-production.

Sabi ni Ruru sa isang interview, siya pa raw ang gagawa ng action scenes at stunts at wala pa rin siyang double. Hindi siya takot sa aksidente dahil sanay na siya at normal na sa kanya na very active person.

Tinupad ni Ruru ang ipinangakong gagawin ang lahat para mapadali ang kanyang paggaling para makabalik na sila sa taping.

Edu at Cherry Pie sumabak sa palengke campaign

Pati pala ang magdyowang sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ay umiikot para sa #TaoSaTaoParaKayRobredo house-to-house campaign para sa kandidatura ni VP Leni Rob­redo. Sa post ni Cherry Pie, sa Tandang Sora Market pumunta ang magdyowa and with Edu, tiyak na may halong comedy ang pakikipag-usap sa tao.

May bitbit kasing standee ni VP Leni si Edu na isinama nila ni Cherry Pie.

Bukod sa pakikipag-usap, may picture taking pa sina Edu at Cherry Pie sa stall owners at pati na rin sa mga bumibili.

Nasulat ni Cherry Pie sa caption, “Para manalo si Leni Robredo kailangan natin kumatok, kumausap. Kumumbinse, tao-sa-tao, puso sa puso. Walang bahay na palalampasin, lahat kukumbinsihin! #EverymbagCounts #ipanalona10to #lenikiko.”

Sofia at Allen nakauna na!

Nagsimula na ang taping ng Raya Sirena na pagbibidahan ng Sparkle love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Sa nabasa namin, collab ang 7-episode mini-series ng GMA at Regal Entertainment at ipalalabas sa weekend.

 Kung tama kami, sa time slot ng Regal Studio Presents ilalagay ang Raya Sirena dahil dito rin umere ang one episode Raya Sirena noon.

Sina Sofia at Allen sa cast ng Prima Donnas ang unang nabigyan ng solo project, ibig bang sabihin nito, mas sikat ang love team ng dalawa?

Mas sikat ang tambalan nina Sofia at Allen sa love team nina Althea Ablan at Bruce Roeland at tambalan nina Will Ashley at Jillian Ward?

vuukle comment

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with