^

Pang Movies

Asawa ni Saab Magalona, pinadedemanda kay Toni

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Asawa ni Saab Magalona, pinadedemanda kay Toni

Hindi pa namin naririnig ang podcast ng mag-asawang Jim Bacarro at Saab Magalona tungkol kay Toni Gonzaga at sa pagsuporta nito sa UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Pero,  may nabasa kami na sinabi raw ni Jim na “Toni has always been a b*tch” at nabanggit pa na nakilala raw niya si Toni noong hindi pa ito sikat at noong host pa ng Wazzup sa Studio 23 ng ABS-CBN.

Kumakalat na ang podcast at mabilis na itong makararating kay Toni, ang nag-uusap ay sina Saab at Jim at sabi naman daw ni Saab, “I don’t think she’s doing it for money. I don’t think so... how much money... how much more money do you need?”

Ang reaction dito ng fans ni Toni, hindi raw alam nina Saab at Jim na ninong sa kasal nina Toni at director Paul Soriano si Bongbong at bukod doon, relative ni direk Paul ang wife ni Bongbong na sa Liza Araneta-Marcos. Alangan naman daw si VP Leni Robredo o si Ping Lacson o si Isko Moreno ang suportahan nina Toni at direk Paul?

May nagparating na kay Toni sa podcast nina Saab at Jim sa kanyang Instagram, pero hindi pa yata nito nabasa ang comment. Mas affected ang fan ni Toni dahil ang suggestion nito, kasuhan nila ni direk Paul ng libel sina Saab at Jim dahil sa mga pahayag sa kanilang dalawa.

Mel, itinuloy ang plano ni Kris

May nakita kaming larawan ni Mel Sarmiento, ang ex-fiance ni Kris Aquino, may hawak na microphone, nakasuot ng T-shirt na may nakasulat na Leni 2022. Kuha ang litrato sa Calbayog City noong March 28, nang magpunta yata sina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Calbayog City.

Na-quote si Mel sa sinabing, “Ang Liberal Party nanindigan ng ilang dekada at pinaganda ang Calbayog. Ang laban ngayon pula at pink. Ang Liberal rito, pink.”

Naalala tuloy ng shippers nina Kris at Mel ang sinabi ni Kris na sasama sila ni Mel kay VP Leni sa campaign sortie nito sa buong bansa. Hindi nga lang nangyari dahil naghiwalay sila at hindi kaya ng katawan ni Kris ang mangampanya pa. Iyong presence niya sa Tarlac City ay dahil taga-Tarlac siya.

Carlo, nakipag-bonding sa anak

Nakakasama pala ni Carlo Aquino ang anak niyang si Mithi dahil may post siyang karga ang anak at may caption na “Pagmamahal na habang buhay.”

Wala nang binanggit na iba si Carlo, gaya kung nasaan sila ng anak na halatang masayang makita, makarga, at mahalikan ng ama dahil ang ganda ng ngiti. Hindi na rin sinagot ni Carlo ang mga tanong ng netizens kung paano ang ina ng anak niya?

Wala ring comment si Carlo sa binanggit ng isa pa niyang follower na ang pagmamahal niya ay hindi habambuhay sa nanay ng kanilang anak. May nag-wish na sana sa susunod na magpo-post ng picture si Carlo, kumpleto na silang mag-anak. May nagpayo rin na magbalikan na sila ni Trina Candaza at bigyan nila ng kumpletong pamilya si Mithi.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with